Shairene's POV.
*ring*ring*ring
Pinatay ko ang alarm clock na dahilan ng paggising ko.8:00 na.
Naghanda na ako para sa pagpasok ko sa trabaho.Sa ngayon isa akong receptionist sa isang kilalang hotel.3 years narin akong nagtatrabaho dun.
Tatlong taon na ang lumipas nang iwan ako ng minamahal ko. Ang boyfriend kong si Bryan. Dahil sa isang pangyayari.
Ang marape ako ng isang demonyo at walang kaluluwang lalaki. Nanlamig saakin si Bryan ng malaman niyang nangyari yun sakin.At isang buwan ang lumipas nakipaghiwalay siya at bigla nalang umalis. Huli na ng malaman ko. Hanggang ngayon sobrang sakit parin saakin.
Hindi niya alam na kaya nangyari yun sakin ay para mailigtas ko ang buhay niya.Natapos na akong maligo at magbihis. Suot ko na ang uniform ko at inayos ko na lahat ng laman ng bag ko at bumaba.
Naabutan ko sa baba si mama. Na tiningnan lang ako."Ahh ma... papasok na po ako..."- paalam ko sa kanya.
Pero umiwas lang siya ng tingin. Talagang kinamuhian ako ng sarili kong ina. Buti pa ang step sister kong si Crystal na kaedad ko lang ay minahal niya na parang tunay niyang anak. Pero ako habang lumalaki ako ay ni minsan hindi ko manlang naramdaman iyon.
Umalis na ako ng bahay at naglakad papuntang sakayan ng bus. Hindi na ako nag almusal doon nalang siguro sa cafeteria kakain at kasabay si Thea ang bestfriend ko. Siya rin ang nagpasok saakin dun sa Red Dragon Hotel.
At aaminin ko masaya ang experience ko dun dahil mababait ang mga katrabaho namin pati narin ang boss namin.Nakasakay narin ako ng bus. Bigla ko ulit naalala si Bryan. Miss na miss ko na siya at hanggang ngayon hinihintay ko siya... sana ay mahal niya parin ako.
2 taon ang relasyon namin pero lahat ng yun ay nabaliwala.
Nagbayad ako sa konduktor ng bus baka kase makalimutan ko na naman magbayad dahil sa mga iniisip ko.Ilang minuto ng makarating na ako sa hotel. Nandun na si Thea at si Faith at nag aayos na sa front desk.
"Uy bess! Ano kumain kana? Tara kain na muna tayo... mamaya pa naman in natin ehh..."- sabi ni Thea sakin.
"Sige... di pa nga rin ako nagbebreakfast ehh..."- sagot ko.
"Sus! Lagi naman ehh!"- nakatawa niyang sabi.
"Ikaw Faith? Di ka sasama?"- tanong ko.
"Hindi kumain nako bago umalis ehh. Kayo nalang bilisan niyo na habang may oras pa kayo!"- sabi naman niya.
Nagtungo kami sa cafeteria ni Thea at kumain.
"Bakit parang maga yang mata mo? Umiyak kana naman kagabi noh?!"- sabi ni Thea na nakataas pa ang kilay. Napansin niya siguro ang mata ko.
"Ah wala..."- mahina kong sagot.
"Haay nako Shai kilala kita! Ano umiyak kana naman? Because if Bryan? Or your mother?..."- sabi ni bess. Umiienglish pa ang bruha.
"Wala bess... wala lang toh..."- nakayuko kong sagot. Hahaba na naman kase ang usapan namin.
"Ilang taon ka nang ganyan... hanggang kelan kaya mauubos yang luha mo! At isa pa move on na kay Bryan teh! Ang daming lalaki sa mundo di lang siya!"- sabi niya saka sumubo ng fried rice at egg.
Paano ako magmomove on kung mahal ko pa siya?...
Iniisip niya kaya ako?.Tinapos namin ang pagkain pagkatapos ay bumalik sa front desk.
Nagsimula na kaming mag ayos at magsimulang magtrabaho may mga guests na kasing dumadating.May mga turista,mayayaman at mga artista na nagchecheck in dito. May casino rin ang hotel na ito. Kadalasan marami ring mga Mafias ang dumadayo dito.
Ibinuhos ko ang oras ko sa pagtatrabaho para makalimutan ko lahat ng problema at sakit na meron ang buhay ko. Sa totoo lang nakakasawang umiyak hindi ko nga alam kung bakit hindi pa nauubos ang luha ko eh.
Minsan naiisip ko malas ako. Ano bang naging kasalanan ko at nararanasan ko ang ganito.Please vote guys...
Thank you.
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Obsession.
RomanceMinsan kahit masakit pinipilit mong maging manhid. Kahit masakit pinipilit mong tanggapin. Kinakaya mong harapin... Nakakapagod din. Hindi ka naman robot para hindi makaramdam ng sakit. Yung mga taong akala mo magmamahal sayo sila rin palang magigin...