Bumaba ako sa living room at naabutan ko na nag aayos si mama kasama ang dalawang maid sa mga decorations na gagamitin para sa welcome party ni Crystal bukas.Bakas sa mukha ng aking ina ang saya... na minsan hindi ko naranasan mula sa kanya. Napakaswerte ng stepsister ko. Minahal siya ng sobra sobra ni mama.
Tiningnan ako ni mama ngunit iniwas niya ito agad. Tumungo na ako palabas ng pintuan. Nagbuntong hininga ako,ang bagay na palagi kong ginagawa. Gaya ng nakasanayan ay pumasok ako sa trabaho.
"Bess ang laki ng eyebags mo ahh! Di ka na naman natulog noh!"- nakatawang sambit ni Thea.
"Inaano kaba ng eyebags ko ha?"- sagot ko naman.
"Ang sungit? Meron ka?"- sabi niya.
"Aga aga nangbwibwiset ka ehh!"- may irap kong sabi.
"Hmmm... oh ano namang ganap sa inyo?"- tanong niya.
"Ayun... nagpeprefare na sila para sa welcome party ni Crystal bukas..."- sagot ko.
"Ang arte! May pawelcome party pa akala mo naman pagkalayo layo ng pinuntahan! Akala mo sampung dekada nawala!"- sabi ni Thea.
"Syempre bess tatlong taon nilang di nakasama yung tao ehh..."
"Sus! Pinagpaparty pa yung mga ganung tao! Sama naman ng ugali!"- sabi niya.
"Hayaan muna sila... gusto nila yun ehh..."- sagot ko.
"Sus eh ikaw nga ilang birthday mo ang nagdaan pero nakuha ba ng nanay mo na ipaghanda ka... tapos yung babaeng yun dadating lang galing Italy eh may paparty pa!"- mataray na sabi ni bess.
Hindi na ako umimik dahil dun. Nagfocus nalang ako sa pagtatrabaho ngayong araw. Marami na naman kaseng guests karamihan mga mag asawa pa...
Nakakainggit naman sila."Here's your key for your room sir and maam! Enjoy your staying here..."- sabi ni Thea sa mag asawang nag check-in.
"Uy! Tulala ka na naman ahh... alam mo nag aalala na ko sayo ehh... ipapamental na talaga kita!"- sabi niya.
"May iniisip lang ako! Grabe ka sakin!"- sabi ko.
"Eh ano naman yun?"- tanong niya.
"Ano kayang feeling kapag kinasal noh... yung nakawedding gown tapos lalakad ka papuntang altar noh..."- sabi ko.
"Nu kaba! Syempre masaya kase makakasama mo na yung taong mahal mo at magmamahal sayo forever... bakit mo naman naisip yan?"
"Wala lang..."- sagot ko.
Siguro kung mangyayari sakin yun. Sobrang saya ko.. kaso iniwan naman ako ng lalaking mahal ko. Kaya hindi na ako umaasang mangyayari pa yun.
-------------------------------------------
Natapos ang maghapong pagtatrabaho.
Nag ayos na kami ni Thea para sa pag uwi.
Dadating narin yung kapalitan namin."Bess punta tayo dun sa Astro Foodpark"
Dun ang paborito naming tambayan at kainan."Sige..."
Nagtungo kami doon at bumili ng pagkain.
Bbq with rice ang binili namin. Para di narin ako kakain sa bahay pagdating."Uy bess nagpost yung kapatid mong hilaw. Nasa plane nadaw siya!"
Inis talaga siya kay Crystal. Nung high school kasi kami lagi akong inaaway ni Crystal at siya ang tagapagtanggol ko.Mabait naman si Crystal yun nga lang ayaw niyang nalalamangan siya. At ayaw naaagawan. Lalo na sa lalaking gusto niya. Si Bryan... oo tama may gusto siya kay Bryan, at nung nalaman niyang naging kami galit na galit siya sakin.
Kaya madalas kaming mag away na dalawa.At nung nalaman niyang narape ako at naghiwalay kami ni Bryan tuwang tuwa siya.
"Haaay nako... dapat di na siya bumalik tahimik na buhay mo dadating pa siya!"
"Wag ka ngang ganyan... syempre nandito pamilya niya at 3 years lang contract niya dun..."
"Oo nga pamilya niya! Na kapareho niya ng ugali..."
"Oy bess... tumigil kana nga baka nakakalimutan mo pamilya ko rin yun!"
"Oo na! Sorry!"
Nang matapos kaming kumain ay nagkanya kanya na kami ng uwi. Dumating ako sa bahay at tulog na sila. 10:30 pm narin kasi. Dumeretso na ako sa kwarto ko at nagbihis at nahiga.
Sa araw araw na lumilipas ay wala namang nagbabago sa buhay ko. Buhay na nakasanayan ko na.
...
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Obsession.
RomanceMinsan kahit masakit pinipilit mong maging manhid. Kahit masakit pinipilit mong tanggapin. Kinakaya mong harapin... Nakakapagod din. Hindi ka naman robot para hindi makaramdam ng sakit. Yung mga taong akala mo magmamahal sayo sila rin palang magigin...