"Parang awa mo na... tama na...."- pagmamakaawa ko sa lalaking gumagawa ng kalapastangan sakin.
"Just shut up babe! You told me gagawin mo lahat ng gusto ko!"- nakangisi niyang sabi.
Habang patuloy ang pambababoy niya saakin."Tama na!"-------
Bigla akong nagising. Nananaginip na naman pala ako. Napanaginipan ko na naman ang karanasan kong iyon tatlong taon na ang lumipas.
Nagsimula na naman akong umiyak. Tiningnan ko ang oras 4 am na pala ng madaling araw.Bumangon ako at nag ayos. Maglalakad lakad nalang muna ako. Mahihirapan na naman kasi akong makatulog dahil sa bangungot ko.
Medyo malamig ang hangin dito sa labas.
Mga isang oras din ang paglalakad ko bago ko maisipang umuwe dito lang ako sa village naglakad.Bumalik na ako sa bahay at nakita ko sila yaya na nagpeprepare ng almusal. Umakyat ako sa taas para mahiga ulit 8 am pa naman ang pasok ko.
Sumagi muli sa isip ko si Bryan. Nasan naba kasi siya? Bakit kailangan pa naming umabot sa ganito. Sobrang sakit na.... tatlong taon na akong naghihintay sa kanya. Marami akong tanong sana bumalik na siya.
Saglit akong nakaidlip at 7 am ng magising ako nag ayos na ako at bumaba. Naririnig ko naman na nag uusap si mama at tito Steve ang asawa niya at stepfather ko.
"So dapat maging successful ang plano ha... dapat paghandaan ang welcome party natin para kay Crystal...ako ng bahala dun..."- masiglang sabi ni mama.
"Ok sige ikaw na bahala sa pagprepare para sa party... sabihin mo nalang kung ano ang mga kailangan..."- sagot naman ni tito Steve sa kanya.
Next week ay dadating na si Crystal galing sa Italy. 3 years siya dun kinuha kasi siyang model at nagtrabaho dun. Tapos kasi siya ng four years course kaya maganda ang trabaho niya. stepsister ko siya at anak ni tito Steve sa una nitong asawa. Namatay yun 10 years ago. Mayaman si tito Steve. Vice President siya ng isang company k7ng san siya nagtatrabaho kaya naibibigay niya lahat ng gusto ni Crystal at ni mama.
At higit sa lahat kahit hindi siya tunay na anak ni mama sobra siyang minahal nito. Di katulad ko na kinamumuhian niya. Gaya ko raped victim din si mama nung dalaga siya at nabuntis siya at ako yun, buti nga at hindi niya ako naisipan ipalaglag. Pero mas grabe ang pagtrato niya saakin simula bata ako ay puro bugbog at masasakit na salita ang inaabot ko mula sa kanya lalo na kapag nag aaway kami ni Crystal, siya ang kinakampihan niya at ako ang pinapagalitan.
Alam kong mali ang mainggit. Pero simula pagkabata ay ganon ang naramdaman ko kay Crystal. Prinsesa siya kung ituring nila. May kapatid narin kami nagkaanak na si mama at tito Steve.
Pumunta ako sa kitchen at uminom ng kape.
"Oh anak kumain kana ng almusal..."- sabi ng katulong namin si Yaya Ester.
"Ah di na po ya...sa----"
"Ayan kana naman nak! Lagi ka nalang di kumakain bago pumasok... sige na nagluto ako ng almusal kumain kana..."- sabi niya.
"Sige na nga po..."- nakangiti kong sabi. Ikinuha niya ako ng pinggan at inilagay sa table.
Ang sarap ng niluto niyang friedrice with corned beef. Meron ding hotdog,bacon,egg at bread.
Sobrang bait sakin ni Yaya Ester. Kaya sobrang thankful ako at may katulong dito na katulad niya."Tapos na ko ya... salamat po papasok na ko..."- paalam ko sa kanya.
"Oh sige nak mag iingat ka ha... wag mong isipin lahat ng problema mo... kaya mo yan..."- nakangiti niyang sabi.
Paglabas ko ay wala sila mama. Kaya umalis nalang ako.
Nagring ang phone ko dahil nagtext si Faith na malalate daw siya. Naglakad lang muna ako papuntang sakayan ng bus.
Sobrang ingay na at napakarami ng tao, mga magsisimulang magtrabaho.
Tiningnan ko ang facebook ko baka sakaling may update.*BLAAG*
Napaupo ako ng bigla akong may makabanggaan. Nalaglag pa ang cellphone ko sa sidewalk.
Tumayo ako at tiningnan kung sino ang nakabanggaan ko...
Biglang nanginig ang buo kong katawan at nanlamig nang makita ko ang taong nakabangga ko. Ganun din siya, nagulat nang makita ako."Shairene..."- banggit niya.
Halos hindi ako makapagsalita...
"Im sorry Shairene... are you-----"
"Lumayo ka sakin!"- sabi ko at dali dali akong umalis. Nagmadali ako at di na siya nilingon. Hanggang sa makalayo na ako sa kanya at makasakay na ako ng bus papuntang trabaho.
Nandito na pala sa bansa ang hayop na lalaking yun.
Si Jeon...
Ang lalaking bumaboy at sumira ng pagkatao ko.
Ang lumapastangan saakin. Ang bangungot na kahit kailan hindi ko matakasan.Oo siya... siya ang nangrape saakin tatlong taon na ang lumipas.
Hindi ko akalaing nandito na siya. Ang kriminal na yun.Isa siyang bilyonaryo at isang Mafia. Lahat ay kilala siya. At kinatatakutan. Wala siyang sinasanto,walang awa,walang puso.
Nakarating ako sa trabaho na medyo balisa.
"Uy bess!"- nagulat ako ng tawagin ako ni Thea.
"Oh...ba...bakit?"- sagot ko.
"Ano nanaman problema mo? Bakit tulala ka dyan?"- tanong niya.
"Ka...kasi bess..."
"Ano? Ano na namang nangyari?"
"Si...si...Jeon bess..."
"Oh anong meron dun sa walanghiyang yon?"
"Bess nagkabanggaan kami kanina... bess nandito na siya..."- medyo maiyak kong sabi.
"Ano?... sigurado ka bess?"- gulat niyang tanong.
"Oo bess... siguradong sigurado ako..."- sagot ko naman.
"Anong ginawa niya? Sinaktan kaba niya ha? Ano?"
"Ok lang ako bess... umalis ako agad..."
"Langya naman oh! Kung kailan tahimik kana saka pa dumating ang hayop na yun!! "
"Hayaan mo na... hindi naman siguro siya manggugulo... iiwasan ko nalang na makita siya..."
"Basta kapag may ginawa ulit siyang hindi maganda. Magsumbong na tayo sa pulis! Wala akong pakialam kung anong klaseng tao siya!"- sabi ni Thea.
Noon kasi hindi ako nagsumbong sa pulis. Dahil alam ko kung anong klaseng tao si Jeon. Maski pulis kase hawak niya. Nababayaran niya kase.
Hinayaan ko nalang dahil takot din ako sa kanya at baka madamay pa ang mga taong importante sakin.
Kaya mas pinili ko nalang ang manahimik at tanggapin ang pangyayaring yun.Sinabi ko iyon kay Bryan.
Akala ko dadamayan niya ako...akala ko maiintindihan niya, pero nagbago siya simula ng mangyari iyon sakin,nanlamig siya bigla.At umabot na sa puntong nakipaghiwalay siya sakin at umalis at hindi na muling nagparamdam pa sakin.
Siguro dahil maruming babae na ako. Sino ba naman ang tatanggap pa sa ganung klaseng babae.At si Thea naman ang naging karamay ko noon. Buti nalang at nandyan siya atleast kahit papano ay nakakabangon ako.
Lumilipas ang araw,linggo,buwan... ngunit walang nagbabago puro trabaho ang inatupag ko. Papasok na ok uuwe at iiyak parin. Ganito ang buhay ko. Buhay na minsan gusto ko nang kitilin. Dahil napapagod na ako.
💜💜
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Obsession.
RomantizmMinsan kahit masakit pinipilit mong maging manhid. Kahit masakit pinipilit mong tanggapin. Kinakaya mong harapin... Nakakapagod din. Hindi ka naman robot para hindi makaramdam ng sakit. Yung mga taong akala mo magmamahal sayo sila rin palang magigin...