Nagising ako dahil sa liwanag na nakasilaw sakin mula sa bintana. At tiningnan ko ang oras 8:30 na pala.
Napahaba ang tulog pero sulit na yun. Nakapagpahinga na ako,nabasa ko naman yung text ni Thea.
Uy bess mamayang 1 tayo punta ng mall ah.
*
Uy bess wag mo kalimutan.Masyado naman siyang excited. Di ko naman kakalimutan eh. Basta ililibre niya ko ng meryenda. Siya tong nagyaya eh.
Bumaba ako para kumain ng agahan.Nakita ko naman sila mama at Crystal na nagtatawanan habang nagkwekwentuhan. Di ko nalang sila pinansin dahil masasaktan lang ako.
Kumain nalang ako at di ko nalang inisip pa iyon."Bakit tanghali kana gumising? Nag aasta kang mayaman? Hindi porket nakatira ka dito ay feeling mo eh donya kana!"
Si mama yun. Kumuha kase siya ng juice sa ref.
"Ahh... napagod po kasi ako kagabi sa trabaho... sorry po..."
"Kahit na... matuto ka namang umayos ng kilos mo dito. Dahil sa tito Steve mo tong bahay. Alam mo Shairene bakit kasi hindi ka nalang umalis dito! Tutal may trabaho ka naman! Umupa ka ng bahay. Kaysa naman ganyan ginagawa mo nakakahiya sa tito Steve mo!"
Hindi nalang ako umimik sa mga sinabi ni mama dahil kapag sumagot pa ako sasampalin niya lang ako. Talagang pinagtatabuyan niya ako. Gusto niya talagang mawala ako sa buhay niya. Pero titiisin ko yun dahil umaasa akong mamahalin at tatanggapin niya ako.
...
Nagkita kaming dalawa ni Thea sa isang bench sa loob ng mall.
Kinuwento ko sa kanya ang nangyari kanina habang naglalakad kami."Ang sama talaga ng nanay mo noh! Nanay mo ba talaga yun?! Sarili niyang anak papalisin niya! Wala talagang kwenta yang mama mo! Sorry sa words bess ahh! Pero nanggigigil na talaga ako ehh. Di na tama yang ginagawa niya sayo ehh..."
"Hayaan mo na bess. Kasalanan ko din naman dahil tanghali na ako nagising..."
"Hindi rin bess! Bakit kase di ka na nga lang umalis dun kung ganyan din ang trato nila sayo... pwede ka naman tumuloy samin ehh..."
"Wag na bess... magbabago din yan si mama... alam ko dadating din ang panahon na mamahalin niya din ako..."
"Kailan bess? Habang patuloy kang umaasa nasasaktan ka lang physically and emotionally pa... kagaya nung nakaraan na sinaktan ka ng mama mo dahil nangatwiran ka lang sa kanya. Di kaba nadadala sa mga nangyari sayo?"
"Magbabago din si mama bess... naniniwala ako dun... mama ko siya eh."
"Ewan ko sayo... matigas talaga ulo mo ehh... tara na nga lang tingin nalang tayo ng mga damit..."
Kahit masaktan ako ng masaktan alam ko... kahit gaano katagal maghihintay akong mahalin ako ni mama.
...
Eto talagang si Thea napakatagal mamili ng damit.
"Eto ba bess nung tingin mo dito?"
"Oo na! Bagay din sayo yan. Lahat bagay! Bilisan mo na nagugutom na ko ehh..."
"Bat di karin kasi mamili ng damit para sayo para di ka naiinip dyan!"
"Hay nako ang dami ko nang damit na nabili bess di naman ako katulad mo na tuwing sahod eh panay bile!"
"Syempre maganda na yung laging may bago para kapag may naluma ehh mapalitan diba!"
"Oo na! Bilisan mo na dyan."
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Obsession.
RomanceMinsan kahit masakit pinipilit mong maging manhid. Kahit masakit pinipilit mong tanggapin. Kinakaya mong harapin... Nakakapagod din. Hindi ka naman robot para hindi makaramdam ng sakit. Yung mga taong akala mo magmamahal sayo sila rin palang magigin...