...
( 3 Years Before...)
Masaya ang relasyon namin ni Bryan. Tatlong taon ang relasyon namin, high school naging kami.
Nagkakilala kami sa school na pinapasukan namin dun din nag aaral si Crystal.Sikat sa school namin si Bryan. Varsity player kasi siya. May gusto sa kanya si Crystal.
Nakilala ko siya sa canteen ng magkabungguan kami at siya ang nagbayad ng meal ko noon. Mula noon naging close kami ni Bryan at di ko akalaing magkakagusto siya saakin at manliligaw. Mabait at gentleman pa siya kaya sinagot ko siya after niyang manligaw ng apat na buwan.Nang malaman iyon ni Crystal ay galit na galit siya saakin maging ang mga nag aaral sa school namin. Pero pinagtatanggol naman ako ni Bryan. At pinaramdam naman niya ang pagmamahal at pag aalaga sakin.
At nagtagal ang relasyon naming dalawa kahit na galit sakin si Crystal. Hanggang pagtungtong sa college ay kami parin. Pareho rin kami ng school na pinasukan ngunit sa 2 years course lang ako pinagenroll ni mama. Nakakahiya daw kase kay tito Steve magastos daw dahil si Crystal ay 4 years course pareho sila ni Bryan kaya hindi ko nasasabayan si Bryan kung minsan. Buti nalang pareho kami ni Thea ng course at magkaklase kami.
Kahit na minsan nakikita kong dumidikit si Crystal kay Bryan ay hinahayaan ko lang alam ko naman na loyal sakin si Bryan.Nauna akong makagraduate sa kanya dahil nga dalawang taon lang ang course na kinuha ko pero masaya ako kahit na hindi umattend si mama nung graduation ko nandun naman siya at masaya siya.
At nangako siya saakin na kapag nakapagtapos siya at naging professional ay magpapakasal kami.
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Obsession.
RomanceMinsan kahit masakit pinipilit mong maging manhid. Kahit masakit pinipilit mong tanggapin. Kinakaya mong harapin... Nakakapagod din. Hindi ka naman robot para hindi makaramdam ng sakit. Yung mga taong akala mo magmamahal sayo sila rin palang magigin...