Nakahanda na ang lahat dito sa bahay. Dahil nga dadating na si Crystal ng tanghali.
Umalis na sila mama para sunduin si Crystal sa airport at padating narin ang mga relatives nila tito Steve.Hinahanda na nila yaya ang mga pagkain.
Naghanda naman ako para pumasok sa trabaho."Oh Shai? Kumain kana ba nak?"- Tanong ni yaya.
"Ah dun nalang po sa trabaho..."- sagot ko.
"Teka hindi kaba sasali sa welcome party ni Crystal?"- tanong pa niya.
"Ah di na po..."- sagot ko at nagpaalam na akong umalis.
Di naman ako kailangan sa party na yun. At wala akong mapapala dun dahil wala naman silang pakialam sakin lalo na ang sarili kong ina.Bigla kong naalala noong nag Debut si Crystal. Sobrang bongga ng debut niya noon. As in pinaghandaan at ang nanguna sa pagpaplano nun ay si mama. Samantalang ako di manlang niya naalala ang birthday ko taon taon. Sobrang sakit na ang sarili mong ina binabaliwala ka lang.
Bakit hindi nalang niya ako pinalaglag nung nasa sinapupunan palang niya ako?
Sana hindi nalang niya ako binuhay kung ganito naman ang ipaparanas niya sakin.Kagaya nang araw araw kong ginagawa. Buong araw akong nagpaka busy sa trabaho.
"Uy bess! Ano ganap sa welcome party nang Crystal na yun?"- tanong ni Thea.
"Ewan ko... baka nagpaparty na sila sa bahay. Tanghali kasi dating ni Crystal ehh..."- sagot ko naman.
"Ok ka lang ba bess?"- tanong niya.
"Ha?... oo naman! Bakit mo natanong?"- ako.
"Weh... sure ka ok ka lang?"- sabi niya.
"Oo nga! Magtrabaho na tayo. Pagalitan pa tayo ni Maam ehh!"- sabi ko.
Crystal Keith POV.
Finally im home... im so happy na makakasama ko na ang family ko. And im happy for my welcome party.
*ring*ring*
Calling...
Babe ❤"Hello" - i answer it.
"Hi babe? How are you?"
"Well im tired... but i enjoy my welcome party..."
"Sorry kung di ako nakapunta ha... you know marami akong inasikaso lalo na ngayon dito na tayo mag sstay sa Philippines!"
"Yeah babe... its ok alam ko naman yun."
"Don't worry magkikita naman tayo bukas ehh... i miss you babe."
"I miss you too... see you tomorrow..."
"Babawi ako... i love you"
"I love you too babe..."
*end call*
Im so happy with my babe... lalo na at napasakin na siya ngayon. Hinding hindi ako papayag na mawala siya sakin.
Noon pa man ay mahal ko na siya. Its unexpected na magkikita kami sa Italy at dun nabuo ang pagmamahalan namin. And were in 2 years relationship. Hindi ko akalaing magugustuhan niya rin ako.
Sobrang mahal ko siya.
Sobrang mahal ko si Bryan.
At ngayong sakin na siya hinding hindi ako papayag na maagaw siya sakin. Lalo na ni Shairene.Ako ang nanalo. At hindi ko inagaw si Bryan sa kanya dahil si Bryan mismo ang nakipaghiwalay sa kanya because she did not deserve to be his girlfriend. Oo dahil nakakadiri siya. Honestly naaawa ako kay Shairene but nilandi niya noon si Bryan,hindi naman ako magiging masama kung hindi niya yun ginawa. Alam niya na matagal ko nang gusto si Bryan pero nilandi niya parin.
At dahil sa kalandian niya ayan. Na rape siya.
Kaya hindi ako papayag na makuha niya ulit ang lalaking mahal ko."Anak kumain kana... ako nagluto lahat niyan..."- my mom said. Actually she's not my real mother pero tinuring niya akong tunay na anak. And im so thankful.
"Sige mom... baka magtampo kapa eh!"- i laughed.
"Ikaw talaga! Alam mo sobrang namiss kita...namin ng dad mo pati si Ella."
"Me too mom... sobrang namiss ko rin kayo!and by the way i have something to tell you..."
"Ano yun?"
"I have a boyfriend!"
"Talaga?! Eh sino naman yan? At saka kelan pa?"
"Well 2 years na kami... and sa Italy naging kami kilala niyo siya mommy... ipapakilala ko rin siya sa inyo. Sorry mom kung di ko sinabi noon pa..."
"Its ok anak... importante masaya ka at ihaharap mo siya saamin ng daddy mo..."
"Thanks mommy"
That's why im happy because my mom supports me anytime. Mas mahal pa nga niya ako kaysa sa anak niyang si Shairene ehh. Ewan ko kung bakit galit na galit siya kay Shairene eh.
But nevermind. Bakit ko pa iniintindi yun.
I will focus to the things that i have now. Specially Bryan....
Shairene's POV.
"Haay salamat at makakauwe na tayo... magbebeauty rest pa ko..."
"Ang tanong may beauty kaba?"
"Lintik ka bess ahh batukan kita dyan ehh!"
Kahit na mga pagod kami ehh nakuha pa namin magkulitan ni Thea. At mag asaran.
"Hoy mga bakla mag ayos na kayo dyan! Harot harot niyo! Kakastress kayo ahh... naiistress beauty ko..."
Sabi naman yun ni Clark,bakla naming katrabaho.
"Isa kapa ehh! San ba banda?"
Nakatawa namang sabi ni Faith."Hmm... inggit ka lang... o siya siya bilisan niyo na dyan at may date pa ko..."
"Wow! May date ka?"
"Oo bakit? May jowa ako noh... kayo kase wala. Gaganda niyo wala kayong jowa. Pero mas maganda ako..."
"Edi ikaw na! Lumayas ka na nga baka di pa ko makapagpigil ehh hmp!"
Nagtawanan kaming lahat bago umuwe.
Masaya kayang kasama yung baklang Clark na yun. Kahit minsan nang ookray.
Nakakabawas ng pagod at lungkot kapag may mga kaibigan kang masaya kasama....
Pagdating ko sa bahay ay tahimik na. Mukhang tapos na ang welcome party ni Crystal.
Paakyat na ako ng hagdan ng makasalubong ko siya."Ahmm...welcome home..."
Bati ko sa kanya at ngumiti siya sakin."Wait may bibigay ako sayo..."
Pumunta siya sa kwarto niya at may kinuha."Here oh... souvenir ko sayo..."
Iniabot niya ang isang paper bag sakin."Ahh... salamat..."
"Welcome... goodnight."
Pumasok na ako sa kwarto at kaagad nahiga. Sobrang napagod ako,day off ko naman bukas gusto kong matulog nang matagal kahit tanghali na ako magising. Tiningnan ko ang paper bag na bigay ni Crystal.
May tatlo itong imported chocolates,isang damit at isang travel magazine ng Italy. Nakakagulat lang at binigyan niya ako ng pasalubong.
Nagpalit na ako ng damit pantulog at nagpahinga. Nagtext naman sakin si Thea na mag mall kami bukas. Sigurado ako bibili na naman ng kung ano ano yun. Ganyan yan kapag may pera ehh.Sana naman pagtulog ko ay di na maulit ang bangungot ko.
...
Thanks for reading poh... sana support niyo din ito kagaya ng The Solution Is To Marry Him. 💜💜
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Obsession.
Любовные романыMinsan kahit masakit pinipilit mong maging manhid. Kahit masakit pinipilit mong tanggapin. Kinakaya mong harapin... Nakakapagod din. Hindi ka naman robot para hindi makaramdam ng sakit. Yung mga taong akala mo magmamahal sayo sila rin palang magigin...