Chapter 21: Hated. Cursed. Engaged.★
♡♡♡♡
[[Tetsuya Kuroko]]
Nakita kong tumatakbo si Ryou palabas nang park.
Bigla siyang bumagsak.
"Ryouka!!"
Hindi ko na napigilan ang sigaw ko. Tumakbo agad ako papunta sa kanya. Nilagay ko ang ulo niya sa hita ko. Tinapik-tapik ko siya.
"Ryou? Ryou?"
Hindi siya nagigising. Nawalan siya nang malay. Kailangan ko siyang dalhin sa ospital.
Kinarga ko siya bridal style at tsaka nag-abang para sa taxi.
Anong nangyari sayo, Ryou?
Sa wakas at may dumating rin na taxi. Sumakay na kami sa loob at pinagmadali ko yung driver nang madala na agad si Ryou sa ospital.
▶▶Fast Forward
Nasa emergency room kami ngayon. Kasalukuyan siyang chine-check nang doktor.
"Kaano-ano ka niya?"
"...Kaibigan niya po."
"Anong nangyari sa kanya?"
"Napadaan lang po ako sa park at nakita kong tumakbo siya papalabas. At saka siya nawalan nang malay."
"Ganun ba? Sandali lang at patapos na ang mga test sa kanya."
Umalis na yung doktor. Umupo ako sa upuan sa tabi nang kama niya.
Ano kayang nangyari sa park?
Nakita kong nagriring yung cellphone niya. Kinuha ko to at sinagot.
"Ryouka?"
"Akashi-kun?"
"Tetsuya? Why is Ryouka's phone with you?"
"Nasa ospital kami ngayon. Bigla kasing nawalan nang malay si Ryou."
"What?! What hospital are you in?!"
"Statesville Hospital."
"I'll go there right away. Wait for me."
Binaba niya na.
Alalang-alala si Akashi-kun para kay Ryou..
▶▶Fast Forward
After 5 minutes, dumating na si Akashi-kun at nagmamadali siyang lumapit sa kama ni Ryou.
"What did the doctor say? I-is she alright? When is she gonna wake up? Why the hell is she here in the first place?"
Andami niyang tanong. Hindi ko alam kung masasagot ko lahat..
"A-ano...wala pa kasing sinasabi yung doktor. Nakita ko siyang bigla na lang mahimatay sa labas nang park, kaya dinala ko siya dito."
Hinawakan ni Akashi-kun ang kamay ni Ryou.
Oo, mahal ko si Ryou...
...pero pano kung hindi naman siya sakin sasaya?
Engaged na si Akashi-kun...at kung mahal nga siya ni Ryou, masasaktan lang siya.
Handa akong saluhin si Ryou.
"Ng..."
Nagigising na siya ng unti-unti.
"Ryou?"
"Ryouka? Are you alright?"
"...Ma...ma...Pa...pa..."
Hinahanap niya...ang mga magulang niya?
BINABASA MO ANG
Ang Reyna ng Tsundere [A Kuroko no Basuke Fanfic] (Slow UD)
Fanfiction[[Akashi x OC]] Kung si Ryouta Kise yung tipo nang lalaki na happy-go-lucky, meron naman siyang kadugo na complete opposite niya! Maniniwala ka bang matagal nang may naninipa sa kanya bago pa man dumating si Kasamatsu? Meet Ryouka Kise, ang pinsan n...