Chapter 7: I Need Someone ★

412 24 6
                                    

Chapter 7: I Need Someone ★

♡♡♡♡

[[Ryouka Kise]]

Hmm...

Nag-stretching ako. Pinakiramdaman ko yung gilid ko. May katabi ako?

Tumingin ako sa tabi ko.

E-EEEEEEEEEEEEEEEHHH?!?!?!

"ANONG GINAGAWA MO RITO SIRAAAAAAAAA?!?!"

ASAN ANG TUBO KO?! ASAN?! ASAN?!

Pinag-susuntok ko siya gamit ang kamao ko na kinagising naman niya.

"Stop--ow!! Stop it will you?!"

"Anong ginagawa mo rito?! Siguro may ginawa ka sakin no?!"

"Shut up! That's not gonna happen in a million years!!"

"O edi bakit?! Anong ginagawa mo sa kwarto ko?!"

"You were drunk and you asked me to sleep here, idiot! You even called me 'Seisei', for pete's sake!"

Wat da ef?! Pinatulog ko siya rito?! At tinawag ko pa siyang Seisei?! Gano kabaliw ba ko pag nalalasing ako?!

"U-umalis ka na ritoooo!!"

"Fine!! I will!!"

Umalis na siya. Haaayy!! Ano bang kalokohan ang ginawa namin kahapon?! Aish, nakakaasar pag wala kang naaalala sa mga nangyayari!! Andaya talaga!!

Napahiga ulit ako sa kama ko. Aish...ang sakit nang ulo ko, syete...

Kinuha ko yung cellphone ko. Nakita ko ang date...

Hm...etong araw na to...

Ang bilis naman...

Etong araw na to...

...ang death anniversary nang pamilya ko.

▶▶Fast Forward

Nag-ayos ako agad. Sino kaya ang kasama ko ngayon?

Datirati, sina Ryouta, tito, at tita ang kasama ko pag pupunta ako nang sementeryo. Last year, si Hiwalay-Kilay ang kasama ko kase nakasalubong ko siya sa daan.

Sino naman kaya ngayon?

Ah! Okay, nakuha ko na.

Kumatok ako sa pinto ni Tetsuya.

"*Tok tok* Tetsuya. *tok tok* Tetsuya, andito ka ba?"

Bumukas ang pinto. Isang Tetsuyang naka-pajama ang nasa loob. At syempre, ayan na naman yung magulo niyang buhok.

"Ryouka?"

"Pwede mo ba kong samahan sa isang lugar?"

"Sige. Kaso matatagalan pa ko nang konti. Pasok ka muna."

"Okay. Salamat."

Itong araw na to ako extremely mabait at mahinahon. Isang araw lang naman to sa isang taon, kaya bakit hindi, diba? After all, ito naman ang araw kung saan...huli ko silang nakasama. Bago pa man ako maging bayolente.

Tss, kaso panira naman yung Sira na yun eh. Oo, lasing nga ko, pero sinunod pa rin ako? Ano siya, sira? Kilala ko yun eh, di yun iinom. He! Ewan! Naka-shabu ata!

Matagal-tagal akong napa-Flappy Bird. Anong high score ko?

Dyandyararaaan! 113! Oo, 113, pramis. Nagpapasalamat nga ako sa himalang binigay saken nang Diyos at hinayaan niya kong umabot sa 113 sa Flappy Bird. Talent ko ata yun eh? Joke.

Ang Reyna ng Tsundere [A Kuroko no Basuke Fanfic] (Slow UD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon