Chapter 1: Introducing...Ryouka!
♡♡♡♡
[[Ryouka Kise]]
"Dude, andito na siya!"
"Ha? Sino?"
"Edi yun oh! Si Ryouka Kise yan!"
"Hala, yung Queen of Torture!"
"Letse, di na ko nakapag-tago!"
Psh, babies. Mga duwag.
Kung di mo pa ko kilala, balik kang foreword. Basahin mo kung di ka bulag.
Tapos na? Good.
But anyways, sige. Kilala ko kayong mga readers, tatamad niyo.
Ako si Ryouka Kise, ang pinsan ni Ryouta Kise. Oo, ni Ryouta, as in yung "gwapo" at "poging" model. Bleh. Kadiri. Pogi raw. Malay ko ba kung anong nakikita sa kanya nang mga fangirls niya. Iisa-isahin ko talagang tutubuhin yong mga yon nang magising sa katotohanan.
Andito ako at naglalakad sa Seirin.
Anong ginagawa ko sa Seirin kung pwede naman ako mag-aral sa Kaijo kasama ang pinsan ko, aber?
Edi simple. Di naman ako nakatira sa bahay nila. Binigyan ako ni tito, ang dad ni Ryouta, nang apartment rito. Gusto ko kaseng magsarili. Nakuha ko to nung nagsimula akong mag-high school.
"Ryou!"
May pamilyar na boses na tumawag saken.
"Riko-san."
"Good morning! Hehe, as usual, dala mo na naman yang tubo mo!"
Tiningnan ko si Goumon. Oo, may pangalan yung tubo ko. Aba'y bakit, bawal? Ang ibig sabihin ng Goumon ay "torture". Eto lang naman ang kagamitan kong napakahalaga sakin. Ginagamit ko to laban sa mga kumakalaban at di sumusunod saken. Minsan na kong na-suspend dahil kay Goumon. Okay, hindi minsan. Marami-raming minsan.
"Hooooy, Ryou!
Napatingin ako sa kung sino mang tumawag saken.
"Oy. Ikaw pala, Lamon."
Lamon, yan ang tawag ko kay Taiga "Hiwalay-Kilay" Kagami. Sa totoo lang marami-rami pa kong nickname sa mokong na ito. Di ko na sasabihin lahat. Baka tamarin ako.
"Hello, Ryouka-san."
"AY PUNYEMAS NA PANGHIMAGAS!! Tetsuya, ilang beses ko bang sinabi sayo na wag ako gulatin? Gusto mo mapalo ng tubo ko?!"
"G-gomen. Kanina pa naman ako nakatayo dito eh."
Facepalm. Middle school pa lang kami, ganito na to. Kelan ba ko masasanay sa gunggong na to?
Nung middle school, sa Teiko rin ako nag-aral. Nung mga panahon na yon, dun pa kami nakatira sa bahay ni Ryouta. Hindi kami pareho ni Ryouta na mahilig sa basketball. Sa katunayan, ako pa ang nauna sa kanya. Nung huli, syempre, siya pa ang sumikat. Di naman kase ako player. Assistant coach at assistant captain lang.
"Riko-san, nasan nga pala yung ibang seniors?"
"Pabayaan mo na yung mga yun. Ni di man lang makapag-good morning. Babatukan ko talaga sila!"
"Sali ako, Riko-san. Babanatan ko nang tubo."
"O siya. Mamaya na yan. Pumunta muna kayo sa mga classroom niyo at baka ma-late pa kayo."
"Mabuti pa nga."
"Hai."
"O edi tara na!"
Nagpunta na kami nina Tetsuya at Lamon sa room namin. Class 2-B. Minsan nga eh napapaisip ako kung pano nakapasok si Lamon dito.
"Lamon, pano ka naging 2-B sa lala mong yan?"
"Makapag-salita ka! Kala mo kung sinong katalinuhan."
"Hoy, average ako no! Di tulad nang sayo. Biruin mo, 12 sa English? Pinaglololoko mo ba ko?"
"Masyado nga kaseng pormal ang English nang Japan!"
"Wag na kayong mag-away. Pumasok na tayo, Kagami-kun, Ryouka-san."
Tss. Kundi lang ako napigilan ni Tetsuya, wala nang ngipin tong twins ang kilay na to!
Pagkapasok ko, biglang tumahimik lahat. Kilala nila ako eh. Pag may dalang tubo, alam na kung sino yan. Sino lang ba ang may lakas nang loob para magdala ng tubo? Edi ako.
Ang tinaguriang Queen of Torture.
Wala akong pinapatawad. Maliban sa mga teacher at nakakatanda, ganun. Taong may respeto sa nakatataas ako. Pero kung talagang wala nang kwenta ang mga dahilan nila (gaya nang mga senior ko), eh tutubuhin natin yan. Ganito, di ako pure-Japanese kaya di ko masyado pinahahalagahan ang rule nang senior-junior relationship. Ginagawa ko lang naman ang pagtutubo pag wala nang saysay...bla bla bla. Crema de pusang gala, kahit ako tinamad sa pag-explain eh!
Sa sobrang haba nung sinabi kong kalokohan, nalimutan kong nasa classroom pa ko.
Dumating na ang adviser namin.
"Good morning, Class 2-B."
Tiningnan ako. Ampots, wala ako sa mood ngayon. Babanatan na naman ako ni Mr. Fujioka.
"Okay, let's start the lesson for today."
Punyemas. Ang boring neto. Tulog muna.
▶▶Fast Forward
Uuh, whuu? Asan ako? Ay, oo. Classroom.
*Riiing Riiing!!*
"Okay, class. You may take your break."
Sa wakas kainan na. Gutom na ko. Pero di naman yung gutom na katulad nung kay Lamon.
Papunta kami nina Tetsuya at Lamon sa rooftop. Yun yung sarili naming kainan space kumbaga.
Habang papunta kami dun, hiningan ko nang pagkain si Lamon. "Hoy Lamon, penge pagkain."
"Ha? Isang burger lang dala ko."
"Nagawa mo pa talaga magsinungaling sakin? Alam kong sandamakmak yang baon mo araw-araw. Yumayaman Maji Burger dahil sa katakawan mo."
"Manahimik ka nga dyan! Hindi ko kasalanan maging gutumin!"
Gutumin? Gutom yun? Letsugas, pang ISANG GRUPO ang kinakain neto araw-araw, GUTOM? Onti na lang talaga matutubo ko na tong unggoy na to eh.
*Trrt Trrt* (Cellphone yan, maniwala ka)
Kinuha ko ang phone ko mula sa bulsa ko.
From: Sira
Subject: Meeting
Bring Tetsuya. Go to the park near your school later 5pm. I have something to tell everyone.
-end-
Letsugas ka, Sira!! Ano na naman bang pumasok sa utak mo at pinapapunta mo kami bigla sa park?
Tss, nasisiraan na talaga nang bait yung isang yun. Kung mag-hehello lang ulet siya, babatukan ko siya nang matindi! Ay ano ba yung sinabi ko? TUTUBUHIN natin, syempre!
END CHAPTER 1
[Demise (yan yung pangalan ko *o*)]
Ikli nuh? Sori tinamad.
O ano? Pagpasensyahan ang otor na matagal nang di nakapag-sulat! Sori sa medyo peyl na Chapter 1. Ni wala pa nga si Bida #2 eh! Oy, may hint dun kung di mo nakita, huehuehue. Anyways, gagalingan ko pa! Go go go me! :D
PS: Imagine niyo na si Ryouka ay si Taiga Aisaka mula sa ToraDora. Kung kilala mo, de maganda! Kung hindi, de i-search. May Google naman. Wag tamarin! :D
LIBRE LAIT, TAKE NOTE.
VOTE IF YOU LOVE KNB
COMMENT IF YOU LOVE NUTELLA
FOLLOW IF YOU LOVE ANIME! :3
"Hindi man ito halata sa simula, lahat naman nang tao may soft side!"
BINABASA MO ANG
Ang Reyna ng Tsundere [A Kuroko no Basuke Fanfic] (Slow UD)
Fanfiction[[Akashi x OC]] Kung si Ryouta Kise yung tipo nang lalaki na happy-go-lucky, meron naman siyang kadugo na complete opposite niya! Maniniwala ka bang matagal nang may naninipa sa kanya bago pa man dumating si Kasamatsu? Meet Ryouka Kise, ang pinsan n...