Chapter 4.

15K 252 28
                                    



             Parang ako ang nahihiya sa gesture namin ngayon ni Christian, yes siya ang tumulong sa akin. Naglalakad kami ngayon sa hallway at papuntang likod ng school. Lahat nang nakakasalubong namin ay nakatingin sa amin lalo na sa pagkakahawak niya sa akin.

Napatingala ako sa kanya habang mabilis na naglalakad.

Akala ko ba freshmen din siya pero bakit parang kilala na siya dito? Karamihan kasi sa mga lalaking nakakasalubong namin ay nagtatanguan sila, minsan ay nagsashake hands pa at minsan ay nagbabatian. May mga babae ring pinapansin siya at guess what alam nila ang pangalan niya.

Muli ko siyang tiningala.

"Don't look at me... look at your steps baka madapa ka..." muli ay narinig ko ang seryuso niyang boses.

Napakunot noo ako at napakagat labi, baka iniisip niya'y tinitingnan ko siya dahil nagagwapuhan ako. No, hindi... nagwowonder lang ako kung bakit kilala siya ng mga tao.

Hindi ko na napansin na nakalapit na kami sa fountain ng school at 'dun lang niya ako pinakawalan. Tiningnan niya ako at tiningnan rin ang pabilog na sementong pwedeng upuan kaya naupo na nga ako dito.

Nakayuko ako pero nakikita ko pa rin ang ginagawa niya. May hawak siyang cellphone ngayon at may kinakausap.

"No, ngayon na... may gusto akong lakaran, yes dito sa likod." sabi niya at ibinalik uli ang cellphone sa kanyang slacks.

Lalo pa akong yumuko dahil inaakala kong haharapin niya ako pero hindi. Nakatayo lang siya at nakapameywang patalikod sa akin hanggang sa may dumating na itim na sportscar at huminto sa tapat niya.

Lumabas ang security' guard na napagkamalan akong cleaner mula sa loob at bahagyang sinulyapan ako. Deritsong sumakay si Christian at nang hindi ako kumilos ay pakunot noo siyang nilingon ako.

"Sasama ka ba o hihintayin mong madatnan diyan nila Jackson, brutal 'yun magparusa sa mga tumatakbo sa kanya." sabi niya sa akin at nilingon naman ang security. "Salamat, uuwi na ako."

Tumayo na ako pero alanganin pa rin akong sumama sa kanya, baka saan ako ipunta. Pero nang patunugin niya ang kanyang sasakyan ay napasakay na rin ako.

"Iniisip mo bang magkakainteres ako sa'yo... 'wag kang mag-alala, may liligawan na ako na gusto ni papa... ang babaeng 'yan." nguso niya sa isang picture na nasa harapan lang ng manibela.

Ang ganda ng babae at tsinita ring kagaya ko. Mahaba ang buhok at ang ganda talaga ng mga mata. Siguro'y Airina ang pangalan niya kasi nakasulat ito sa bandang ibaba ng picture.

Nang nasa highway na kami ay itinuro ko sa kanya ang kantong papasok sa amin pero napaupo ako nang maayos nang dumeritso ito. Pinaharurot ang kotse at nakipagsiksikan sa traffic.

"Hoy saan mo ba ako dadalhin, ibaba mo'ko Christian!" napataas ang boses ko sa kanya kaya nakakunot noong nilingon ako. "Ibaba mo na ako ok... hindi ako sasama." bumaba uli ang boses ko dahil natakot ako sa seryuso niyang mukha.

Bigla niyang pinahinto ang kotse at halos mapasubsob ako sa harapan nito.

"Aray, ano ba dahan-dahan lang." reklamo ko at tiningnan siya.

"Go." sabi nito.

"Ano?" naiintindihan ko ang sinabi niya pero dito?

Dito ako bababa sa gitna ng limang lanes at parang nagkakarera ang mga sasakyan. No, mahal ko pa ang buhay ko kaya umayos na lang ako nang upo at tumingin sa labas.

Busaw 2: LORENZO, Ang PagdayoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon