Chapter 8.

13.3K 244 24
                                    


            

             Nanliliit akong nakaupo paharap kay Christian at sa ibang kumakain ngayon. Nakaplain shirt lang kasi ako at jeans, at sinuot ko pa rin ang sweater ko kanina. Sa sasakyan pa kami nagtatalo, hinahanap niya ang uniform ko eh wala akong masabi at lalo naman wala akong maipakita. Ang gusto niya ay pumunta kami ngayon sa tailoring shop para pagawaan ako. Eh ayuko' kasi wala pa akong pera para pang-uniform at ayuko' ring siya ang magbabayad kasi hindi naman kami magkamag-anak, baka singilin pa niya ako ng mas mataas keysa sa original prize.

At hanggang ngayon na nasa coffee shop na kami eh hindi ko alam kung may mga laman ang mga tingin niya sa akin.

Gaya' nang sinabi ko kanina, nanliliit ako kasi puro mga estudyante rin ang kasama naming nagbebreakfast at 'gaya naming nagkakape lang. May isa pa palang college school sa unahan ng SMU at lahat yata ng mga nag-aaral eh mga mayayaman.

Kung paano sila magkikilos ay halatang mga mayayaman talaga. Kahit nga itong mukhang hipon sa unahan namin na kanina pa nagpapansin kay Christian eh siguradong mayaman kahit ganyan' ang itsura niya.

Hayyy, iba talaga ang mayayaman ano. Tumingin ako sa counter pero sa kanya ako napatingin, kanina pa pala niya ako tinitingnan.

"Bakit?" sumimangot ako.

Hindi siya nagsalita, tiningnan lang niya ang isang mag na nasa harapan ko at hinigop ang sa kanya. Hindi ako gumalaw, sinulyapan ko lang 'yun at nang tumingin siya sa kabila ay agad kong hinawakan. Gusto ko pa sanang kumain kahit tinapay lang kaso nahihiya ako magsabi sa kanya. Hindi kasi ako nakadala ng pera ko.

Tahimik ko nang hinigop-higop ang kape ko habang patingin-tingin rin sa paligid.

"Finish your coffee and I'll take you to school, hindi ako papasok." muli ay napatingin ako sa kanya.

Hindi pala papasok eh pumunta pa sa bahay.

Muli ay inirapan ko siya dahil naiinis ako sa sobrang pagsusungit niya. 'Ni hindi nga yata 'to marunong tumawa.

"Hindi ka pala papasok eh bakit pumunta ka pa sa bahay?" hindi siya sumagot, tiningnan lang ako hanggang binawi ko ang tingin ko. Nagsisisi ako bakit ko siya tinanong. "I-I mean, napagod ka pa sa pagdidrive baka malayo ang bahay niyo..." palusot ko habang sa labas nakatingin.

"Don't talk... it's not good." sulyap niya sa akin habang inaayos ang pagkakaupo. Muli ay nagsmart lean siya at nagsalita ulit. "Men does'nt want women talking while eating, it's a poor hobbit you know..."

Napataas ang kilay ko. E 'di ok lang sa akin, ayuko' namang magkaroon ng kahit isang suitor noh. Alam kong disturbo lang 'yun sa pag-aaral.

Muli ay tumahimik ako.

Hindi na ako magsasalita, lahat na lang ay mali sa taong 'to kasi siya perpekto, 'yung wala bang mali.

Ininom ko na ang natitira kong kape at tumutok sa flat screen tv na nakadikit lang malapit sa entrance. Kasalukuyang balita ang palabas kaya pagtatiyagaan ko na lang panuurin.

Ang maganda kong pakiramdam ay biglang nag-iba nang bigla ring ipasok ang isang breaking news...

"Ngayon po ay nasa Brgy. Concepcion tayo malapit sa crossing ng San Miguel Avenue kung saan natagpuan ng mga tauhan ni Brgy. Captain Hemenio ang isang nakakagimbal at nakakatakot na insedente kaninang ala-singko ng madaling araw." agad nagsalita ang isang reporter habang ipinapakita ang crime scene. "Ang nasabing lugar ay nakapaloob sa isang private property kung saan ang ilang mga establishments dito ay kusa nang nagsara dahil sa pakikipagtunggali ng may-ari laban sa gobyerno." napatutok ako nang makita ko ang mga bangkay ng mga lalaki kagabi.

Busaw 2: LORENZO, Ang PagdayoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon