Chapter 25.

8.4K 196 22
                                    

        


             Tahimik lamang akong nakamasid sa nagkakagulo na pamilya. Nagkakagulo dahil hindi na magkandatuto si Ate Elvira sa pag-impake habang maya't mayang nag-aaway ang dalawang bata. Ang dating plano na kaming tatlo lang ang luluwas ay hindi nasunod 'yun dahil sa mga anak ng mag-asawa. Naramdaman yata nilang aalis ang kanilang ama kaya buong gabi'y tirik ang mga mata nito, hindi nagsipagtulog.

Hayyy, buti na lang 'andiyan palagi si Christian para sa akin. Kahit mawala ako'y may magbabantay kay Fredo.

"Agatha, pasensya ka na ah... 'eto matatapos na ako." napalingon ako sa boses ni Ate Elvira, ate raw eh kaya 'ganun. Ngumiti ako tsaka tumango, wala namang problema sa akin. "Wala ka bang gamit diyan, isama na lang natin dito para hindi ka na magbitbit pa..."

Umiling naman ako tsaka marahang humarap sa kanya mula sa pagkakaupo ko sa sala.

"Wala eh, hindi ko naman alam na luluwas pala tayo ate." sagot ko sa kanya.

"Ganun' ba, ok lang 'yun bumili na lang kayo... nasaan ba ang magkapatid, nakita mo ba?" tukoy nito kay Manuel at Lorenzo. "Ang lalaking 'yun, kandahirap akong mag-impake rito'y hindi man lang makatulong." reklamo nito kaya tumayo na ako at pupuntahan sana siya nang bumukas ang pinto.

Naunang pumasok si Manuel kasunod ang kapatid nito.

Hindi ko alam kung bakit napatitig ako sa dalawa, parang slow motion ang pagpasok nila. Lahat eh may tinataglay na charisma na hihigop sa atensyon ng sinoman. Lahat ay may tinataglay na kagandahan na 'di ikakahiyang ipagmayabang. Lahat ay walang magpapadaig pero syempre para sa akin ay si Lorenzo pa rin.

Napangiti ako nang maghiwalay sila at ang isa ay pumasok sa nakabukas na kwarto samantalang tumuloy naman sa akin si Lorenzo.

"Nainip ka ba?" sabay halik niya sa akin at umupo sa tabi ko. "May ginawa lang kami sa labas... baka kasi matagalan sila sa pagbabalik dito." iniakbay niya ang kaliwa niyang kamay sa akin saka iniunat ang mga paa. "Gusto ko sana'y kagabi na tayo umalis para makita mo kung paano tayo maglakbay... lahat tayo ay maghuhubad." ngiti niya sa akin nang lingunin ko siya.

Kumunot lang ang noo ko at hindi ko sinakyan ang kanyang pagbibiro, may naaalala kasi ako.

"Nakita ko na 'yan... hindi na ako excited." sabay tingin ko sa kanyang ibaba habang nakakunot pa rin. "Hindi ba tayo babalik agad, paano si Fredo..." kalabit ko sa kanya.

Pinisil lang niya ang mga balikat ko bilang sagot.

"Nandiyan naman si Christian, nagkausap na kami ng personal... tsaka 'wag kang mag-alala babalik din agad tayo." tugon niya at sinilip ang nasa kwarto. "Hindi pa ba tayo aalis, gagabihin tayo sa daan eh may mga dala tayong gamit Manuel!" pasigaw niyang turan sa mag-asawa.

Nakita lang namin na bahagyang umiling si Manuel saka kumaway nang marahan. Walang nagawa ang katabi ko kundi kumilos at biglang humiga sa kandungan ko. Sa isang iglap lang ay nakahiga na siya at hinalikan ang mga kamay kong hawak-hawak niya.

"Lorenzo..." saway ko sa kanya.

"Iidlip lang saglit... hindi ako nakatulog kagabi dahil sa'yo..." sabay pikit niya kaya wala na rin akong nagawa kundi ang haplusin ang kanyang buhok at pagmasdan siya.

Sabagay, sino ba namang makakatulog kung ang katabi mo'y ganito kagwapo. Muli na naman akong napangiti at ipinilig ang ulo.




"Ahhh sayang talaga... sana kagabi na tayo nakaalis." bulalas ng katabi ko habang umaayos nang upo. "Ok ka lang, gusto mo kumain?" sabay silip niya sa akin.

Busaw 2: LORENZO, Ang PagdayoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon