Chapter 11.

12K 206 20
                                    



"Mag-iingat ka doon..." bilin ni nana sa akin habang si Fredo naman ay binibitbit ang mga padala nila sa akin. Isang supot ng maggang hinog, mga saging at camote. "Yung iba diyan ibigay mo sa nagbabantay sa inyo para hind ka pagsungitan."

Nang makarinig kami ng ingay ay tinalikuran ko sila at nag-abang. Pagkakita ko sa lumang ford na may mga sako pa sa itaas ay pinara ko. Nang huminto na sa harapan namin ay muli kong nilingon ang dalawa.

"Alis na po ako, 'uy magpapakabait ka ah..." sabay yakap ko sa kanya. "Mag-iingat ka, tumawag ka kung may mangyari..." hindi ko alam kung bakit ganun' ang naibubulong ko sa kanya, agad kong inagaw ang sakong pinaglagyan ng mga prutas. "Alis na ho ako..." nagpaalam ako uli at sumakay na.

Nang makaupo ako nang maayos sa huling upuan ay nilingon ko ang dalawa at ang kapatid ko ang tinititigan ko. Nakita ko na naman ang lungkot sa kanyang mga mata kaya tumingin na ako sa unahan. Ayukong malungkot at isipin siya.

Kukunin rin naman kita, maghintay ka lang.

Pagdating ng sasakyan sa bayan ay bumaba na ako sa bus terminal at nag-abang uli nang masasakyan. Ngayon ay isang bayan lang ang dadaanan namin at tutuloy na sa Cubao.

Nakaupo ako ngayon sa isang mahabang upuan na nasa tagiliran ng cover court. Bumili ako ng chichiria at coke para pantulak. Hindi ko na ibinigay kay nana ang perang balak ko sana. Marunong naman gumawa nang paraan ang kapatid ko kaya hindi 'yun magugutom.

"Iha pwede bang umusog ka 'run nang kunti'... kakarating ko lang kaya gusto kong magpahinga muna." isang matanda na may dalang mga nakatuping banig ang lumapit sa akin. Tiningnan ko lang siya habang sumisipsip pa rin ng inumin. "Pwede ba magandang dilag..." ngumiti pa sa akin ang matanda.

Hindi ako kumibo, tiningnan ko lang ang dulo ng upuan na babad sa umiinit nang sikat ng araw.

"Dito na lang ho ako, babyahe pa ako nang malayo kaya kailangan ko ring magpahinga." sabi ko at hindi umusog. "Tumabi na lang kayo sa akin para hindi kayo masyadong mainitan."

Nakita ko siyang kumilos. Akala ko'y uupo siya sa tabi ko pero agad na umalis. Ay ayaw ni lolang mangitim, bahala siya. Nagkabit balikat lang akong patingin-tingin lang sa paligid nang marinig ko ang kanyang sinabi sa nakasalubong niya.

"Ipokretang babae 'yun... walang galang sa mga matatanda!" nagbubunganga siya habang naglalakad. "Walang modo... wala sigurong pinag-aralan."

Napahinto ako sa pagnguya nang sulyapan ako ng babaeng nakasalubong niya. Ano bang ginawa ko at nagalit ang matandang 'yun?

Muli ay narinig ko siyang patuloy pa rin sa pagsasalita kaya nainis na ako. Mataman ko siyang tiningnan hanggang sa makita kong nadapa siya. Pati ako'y napapitlag rin sa nangyari.

"Mangkukulam, mangkukulam ka!" 'pag tayo niya'y hinarap ako habang nagsisigaw. "Mag-ingat kayo sa babaeng 'yan!" sabi niya at nagmamadaling naglakad. Buti na lang ay walang pumapansin sa kanya kaya naiinis akong tiningnan siyang muli, at "Aaahhhh mangkukulam!" natigilan naman ako nang muli siyang nadapa.

Nagkataon lang ba 'yun o dahil sa pagtitig ko?

Tumayo ako at lumapit na sa mga bus na nakahelira lamang. Nasaan na ba ang babyahe ngayon, gusto ko nang makaalis dito.




             Pasado alas-onse ng umaga nang dumating ako sa bahay. Saglit kong hinanap si Maam Sylvia para ibigay ang ibang prutas na dala ko pero wala. Nagpasya na lang akong pumasok sa kwarto ko at nagpahinga.

Busaw 2: LORENZO, Ang PagdayoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon