Chapter 3.

15.1K 240 35
                                    



           Halos gabihin na ako sa pag-aasikaso sa mga papeles ko at sa awa ng Dios ay natapos ko rin. Kasalukuyan akong inihahatid ng isang bata, anak siya nang napagtanungan kong vendor na na may pwesto 'di kalayuan sa school. Kanina pa ako pagod pero pinilit ko pa ring maglakad nang mabilis.

Pumasok na kami sa isang kanto hanggang tumigil kami sa 'di kalakihang building, sa tingin ko ay wala na itong second floor. Nagdoor bell ang bata at ilang segundo lang ay pinagbuksan kami ng isang matandang babae.

Agad akong tumango at ngumiti sa kanya.

"Aling Sylvia, dito ho ba ang Falsedo Residence... hinahanap ho niya." tukoy ng bata sa akin. Tumango ang matanda at tinignan ako. "Oh ate, iiwanan na kita dito ah." sabi ng bata at aalis na sana nang hawakan ko siya sa kamay.

Tahimik akong kumuha ng pera sa bulsa ko at ibinigay sa kanya ang dalawampong piso.

Yumuko ako para magpantay ang mukha namin.

"Bumili ka nang makakain mo ah, salamat..." tumango lang ang bata at tumakbo na ito palayo sa amin. Umayos ulit ako nang tayo saka hinarap ang matanda. "Magandang hapon po Maam, ito po pakibasa na lang..."

Kinuha naman ng matanda ang ibinigay kong sulat ng school ko para sa sinomang caretaker nang tutuluyan ko. Ilang sandali lang ay tinignan niya ako at ngumiti nang matipid.

"Tuloy ka..." sabi niya at nauna nang naglakad pero tinawag ko siya.

"Maam Sylvia pwede ho bang bumili muna ako ng malamig na tubig, kanina pa ho ako nauuhaw." paalam ko sa matanda.

"Meyron ako sa loob, dito ka na mababawasan ka pa ng sampung piso." sagot niya sa akin pero umiling lang ako.

"Salamat ho pero bibili na lang ako." giit ko pa rin.

"Ikaw, ikaw ang bahala... tumuloy ka na lang sa room 8 'yun ang kwarto mo." sabi ng matanda. "Bibisitahin na lang kita mamaya, mamalengke pa kasi para sa grocerries nating lahat." sabi niya at tuluyan na ring pumasok.

Tumango ako at nang wala na siya ay iniwan ko lang sa tabi ng gate ang bag ko. Agad akong dumeritso sa tindahang nadaanan namin kanina. Nauuhaw nga ako pero kaya ko pang tiisin, ang gusto ko lang ay may telephone both sila at makikitawag ako para sabihin kina Nana at Alfredo na nakarating na ako ng Maynila.

Kasalukuyan kong hinahanap ang mga barya kong nailagay ko sa bag habang naglalakad pa rin ako. Malapit na ako sa tindahan ay naghahanap pa rin ako pero natigilan ako sa narinig ko.

"Salamat ho..." isang boses na familiar sa akin ang narinig ko.

"Sige Lorenzo." sagot nang nagbabantay.

Agad akong napatingin sa tindahan at tatlong lalaki ang kaka-alis lang. Kilala ko ang boses na 'yun, kilalang-kilala ko dahil kanina ko pa narinig 'yun, 'nung nasa bus ako. Mabilis akong lumapit sa tindahan at sumilip sa kantong katabi lang nito. Nahagip nga ng mata ko ang lalaking nasa gitna ng dalawa na may nakasukbit na kulay pink na bag sa kanyang likod.

Gusto ko siyang habulin pero nagdalawang-isip naman ako. Anong sasabihin ko kung nasa harapan na niya ako?

Muli ko silang tinignan at napakunot noo ako nang mawala na sila. Ang bilis naman maglakad, napakalayo pa ng main highway para marating nila. Pero ang balak kong bumalik sa tindahan ay hindi natuloy. Parang may mga isip ang paa ko, kusang humakbang ito para sundan ang lalaking 'yun.

Busaw 2: LORENZO, Ang PagdayoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon