CHAPTER 4

35 2 0
                                    

Manghang-mangha akong nakatingin sa interior ng bahay. Hindi ko alam na may ganito pa lang uri ng bahay. Iyung puno ng mga manika, weird na pigura at mga sculpture ng... alien yata?

.

Narito kami ngayon sa bahay ng tita ni Crispin. Baka kasi may alam siya sa nangyayari sa'min dahil isa siyang eksperto sa mga ganitong bagay. Mabuti nga at pumayag si Crispin, eh. Noong una kasi ay todo ayaw siya dahil weirdo daw ang tita niya.

.

Ilang saglit pa ng paghihintay ay sa wakas, dumating na ang hinihintay namin. Isang babaeng may kulay berdeng buhok at may suot na baduy na damit. Agad akong tumayo mula sa pagkakaupo sa sofa samantalang nanatili lang na bored na naka-dekwatro sa sofa ang kasama ko.

.

Crispin naman, eh! Hinihiya mo ako!

.

"Phinon?" ang akala ko, ako ang tinatawag niya dahil nasa katawan ako ni Crispin. Ngunit ang mga mata niya...sa katawan ko—no, sa tunay na Crispin nakatingin.

.

Sumilay ang isang kunot sa noo ni Crispin. "You can see me? I mean, the real me?"

.

Inirapan naman siya ng tita niya. "Aba, syempreee! Ikaw lang naman 'tong hindi naniniwala sa kakayahan ko! Hoy, excuuuuse me! Hindi marunong magsinungaling ang dyosang 'to! Abauugghh! Nakaka-highblooooood ka talagang binatilyo kaugghh!" nagulat ako sa lakas ng boses niya, parang megaphone.

.

Halatang sanay na dito ang kasama ko dahil prente pa rin siyang nakaupo na para bang hindi siya nakarinig ng isang dragonang boses. Asteegg.

.

Napaigtad ako nang sa akin dumako ang tingin no'ng babae. "B-Bakit po?"

.

"Anong pakiramdam?"

.

"P-Po?"

.

"Nakita mo na ba?"

.

Lumunok ako. "I-Iyung ano po?"

.

"Iyung ano! Iyung... alam mo na!"

.

Kumunot naman ang noo ko. Anong ano? Hindi ko gets!

.

"That hag is talking about my dick, Winona." I choked on my own saliva. A-ANO DAW?!

.

Bigla naman siyang binato ng libro ng tita niya. Umalingawngaw sa buong bahay ang malutong niyang pagmumura nang matamaan siya nito.

.

"What the hell, auntie Ven?!"

.

"Bawal ang vulgar words dito! Aba ka talagang binatilyo ka! Dapat, junjun o di kaya'y laguna na lang! Naku, naku! Nah-high blood ako sa'yong bugwit kaa!"

.

Sinamaan siya ng tingin ni Crispin. "Crazy woman..." bulong nito saka pinagkrus ang kaniyang mga kamay. Muling bumalik sa'kin ang tingin no'ng babae.

.

"So, ayon nga, ineng, nakita mo na ba ang penis ng aking alaga?" Nabulunan na naman ako sa sarili kong laway. W-What the actual fuck?!

Soul SwapTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon