Siya si Fern?! Iyung... Iyung sinasabi ng mama ni Crispin na magd-debut? Shit. WHY IS SHE HERE?! AAHH!
.
"Phinoooonn!" Ang cute ng boses niya—ah, erase! Erase! Mygosh. Curse my male hormones! Dapat nandidiri ako!
.
Huminto siya sa harap ko. Dala niya ang isang ngiting nakakatunaw ng puso—err. Nevermind.
.
So iyun nga, nabigla ako nang kumapit siya sa braso ko. "Phinooon~ Have you heard the news? Malapit na akong mag-eighteen!" Tuwang-tuwa pa siya habang mas sinisiksik ang sarili niya sa kaawa-awa kong braso. Napalunok na lang ako at nagmamakaawang tumingin kay Crispin.
.
Ngunit sa kasamaang palad, hindi niya ako pinansin.
.
AAHH! Helppp! Ba't ba kasi hindi flat ang isang 'to?! I'm feeling the same feeling as before! Noong... Noong kumapit rin sa'kin si Crispin sa banyo!
.
Ay, lintik talaga.
.
Malakas akong tumikhim at pilit siyang inalis sa braso ko. "Ah, hehe. Oo nga, narinig ko." Naiilang kong sagot. Sheett! KUMALAS KA!
.
"Phinoonn! My baby boo! Escort kita, alright?" Nag-puppy eyes pa siya.
.
"Busy kasi ako hehe..."
.
"Please?"
.
"Ah, eh...Ano kasi hehehe..."
.
"Pretty pleeease?" AAHH! Tukso! Layuan mo akooo! Pilit ko siyang inaalis ngunit mas hinihigpitan niya lang ang kapit sa'kin!
.
Pinagtitinginan na tuloy kami ng mga tao! Namumukhaan na siguro nila ako—no, ang katawang 'to. A famous CEO's son and a crazy girl... what a great combination! Huhu.
.
"Ah, Fern..." panimula ko.
.
"Hmm? Pumapayag ka na?" Hindi ako nakasagot. Eh, si Crispin lang naman kasi ang dapat mag-decide! This is HIS body after all.
.
"Ano na, my baby boo—AH! ARAY!" Halos lumuwa na ang mga mata ko sa nangyayari sa harap ko. Hinila palayo sa'kin ni Crispin si Fern...sa buhok! What the hell?!
.
"Ouch! Stop it!" Bago pa ako makapagitna ay binitawan na siya ni Crispin at nakapamaywang na tinignan.
.
"Ano bang problema mo?!" asik sa kaniya ni Fern matapos maayos ang kaniyang buhok.
.
Napalunok ako nang makitang paparami na ng paparami ang mga nanonood. Shiit! Magiging malaking issue 'to!
.
"Isang lintang malandi at pabebe, iyon ang problema ko." Walang bahid ng emosyon ang boses ni Crispin. Woah. Ganito ba ako nakakatakot kapag galit? Ang astig!
.
"And oh," pinasadahan niya ng tingin ang kabuuan Fern. "She's wearing a summer dress."
.
BINABASA MO ANG
Soul Swap
RomanceIt started when... "I have a dick?! I... I HAVE A PENIS?!" "Of course you do, fucker." Well, expect the unexpected.