Nagtataka ako. SUPER. Eh, kasi naman, bigla na lang akong makakarinig ng ganon? Iwasan ko daw si Crispin? At bakit naman? Edi mas lalong hindi kami maibabalik sa dati!
.
Lihim kong sinulyapan si Crispin na tahimik na nakaupo sa tabi ko. Buti na lang talaga at tinuruan akong mag-drive ng mga bruha kong kaibigan dati. I won't have a problem driving whenever and wherever I want. Though hindi nga lang pwede sa paningin nina mama at papa.
.
But speaking of Crispin, wala naman akong nakikitang dahilan kung bakit kailangan ko siyang iwasan. Tunay ngang masungit siya pero kahit papaano, naiisip ko na hindi naman siya masamang tao. Katunayan nga ay kung masama siya, dapat pinalayas niya na ako, matagal na.
.
Baka nga weirdo lang talaga ang babaeng iyon.
.
Tama, weirdo lang talaga siya.
.
Kahit nagd-drive ako ay kitang-kita ko sa rearview mirror ang nakakunot na noo ni Crispin. Teka, mukhang nasasanay na ako na inaangkin niya ang katawan ko. Mygosh. Basta, ayaw ko pa ring maging lalaki!
.
"Stop."
.
"Huh?"
.
"I said stop the car." Sa sinabi niyang iyon ay agad kong itinigil ang pagd-drive. Nagtaka ako nang mag-facepalm siya.
.
"Learn to park first, dammit." Ah... Iyon naman pala, eh.
.
"Linawin mo kasi." Sagot ko bago itinabi ang sasakyan sa may harap ng MOA. Sakto lang at dito kami tumigil. Mukhang mapapakain ako HAHAHA!
.
Ngunit nasira lahat ng fantasies ko nang imbes na sa direksyon ng MOA pumunta ay lumiko si Crispin. Wengya! At saan naman nito balak pumunta?
.
Nakasimangot ko siyang sinundan sa balak niyang puntahan. Kataka-taka dahil tuloy-tuloy lang siya sa paglalakad sa may gilid ng kalsada. Habang naglalakad kami ay pinagmasdan ko ang paligid. Medyo matao ngayon pero swerte at hindi tag-init. Bahagyang malamig ang temperature ngayon and it's kind of calming my nerves.
.
Natigilan lang ako sa paglalakad nang mapansing wala na sa harapan ko ang sinusundan ko.
.
Teka.. "C-Crispin?" Shit. Teka, isa na 'tong tulay.
.
Takot akong nagpapalit-palit ng tingin sa likuran at harapan ko. Shit talaga! Nasaan na iyon?! Kinakabahan ako habang tinatahak ang tulay. Saan ba siya nagsususuot?
.
"HOY GAGONG PAKSHET KA! BA'T MO AKO INIWAN?! I HATE YOU!" Nagulat na lang ako nang biglang may sumigaw sa may gilid ng tulay. Isang babaeng makapal ang buhok at mukhang broken hearted.
.
Aba, lukaret din 'tong babaeng 'to!
.
Ilang saglit pa ay may dumating na lalaki tapos kinaladkad siya. Anyare? Para silang nasa isang romantic scene sa isang telenovela. Mygosh!
BINABASA MO ANG
Soul Swap
RomanceIt started when... "I have a dick?! I... I HAVE A PENIS?!" "Of course you do, fucker." Well, expect the unexpected.