"Fern, come with me." Hinawakan ni Crispin iyung kamay ni Fern, dahilan para taasan siya nito ng isang kilay.
.
"Huh? Why all of a sudden?"
.
"Okay, I'll be your escort. Just come with me." Sumimangot ako nang sabihin iyon ni Crispin. Akala ko ba ayaw niya maging escort? Ano iyon? Naglolokohan lang kami dito, gano'n?
.
"Really, baby boo? Okay, okay! I'll go then~" Tuwang-tuwa naman itong si Fern tapos may wink-wink pang nalalaman. Tss. Kadiri.
.
Hindi ko na napigilan ang sarili kong umangal. "Teka lang!" Pagtatawag ko ng pansin sa kanila. Paano naman iyong pagbalik namin sa sarili naming mga katawan? Hindi ba namin iyon pag-uusapan?
.
Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam kung ba't nakabalik na kami sa dati. Ang alam ko lang ay humarang ako noong nasa katawan ni Crispin pa lang ako tapos pagdilat ko ng mga mata ko, nakabalik na ako sa katawan ko kaya instead of me, si Crispin iyung nasampal. That's all I know.
.
Ang inaasahan ko ay bibitawan niya si Fern, lalapit sa'kin at magsusungit na naman gaya ng dati. Ngunit hindi ko inaasahan ang sunod niyang sinabi.
.
"Get lost. I'm done with you."
.
Parang tumigil ang mundo ko. A-Ano? Anong.. Huh? He's done with me? Anong... W-What the hell?!
.
Bago pa ako makasagot, hinila niya na palayo si Fern. Siguro papunta siya sa sasakyan niya. Kasabay ng pag-alis nila ang pagtigil sa pakiki-tsismis ng mga tao. Nagbalik na sila sa kaniya-kaniya nilang mga gawain, though may ilang bulungan pa rin.
.
While I'm left here, confused.
.
What does he mean by that? Tapos na daw siya sa'kin?
.
Dahil ba sa nakabalik na siya sa katawan niya? Bakit?! Ano ba kasing dahilan?!
.
Ba't ba lagi na lang siyang pa-mysterious?!
.
ARGH!
.
Inis akong umalis doon. Palayo sa lintik na lugar na iyon. Masyado na akong naguguluhan. Hindi ko alam kung bakit kami nakabalik. Ang alam ko lang ay kung paano kami nagkapalit. Dahil daw sa naging isa kami, physically and mentally.
.
Kung doon ko ibabase, hindi naman kami naging one physically. Kung mentally, hindi ko alam. Basta ang nasa isip ko ay gusto ko siyang protektahan. Iyon lang.
.
Pero posible kayang... iyon din ang naisip niya?
.
Kaso ang weird naman. Dahil lang ba sa pareho kami ng nasa isip? Eh, marami naman nang beses na pareho kami ng naisip. Gaya no'ng nagkwe-kwento iyong mga bata. Pareho kami ng mga nasasabi kaya na-weirdohan sila sa'min. Noong naroon kami sa condo niya. We had similar thoughts, similar wills. Pareho naming gustong makabalik, pero bakit ngayon lang naging effective?
.
So... may ibang dahilan?
.
Pero ano naman?
BINABASA MO ANG
Soul Swap
RomanceIt started when... "I have a dick?! I... I HAVE A PENIS?!" "Of course you do, fucker." Well, expect the unexpected.