Bakit ba ikaw ay kayhirap abutin?
Para bang ikaw ay isang bituin
Na kailanma'y hindi maaaring sungkitin.Ni hindi ko maamin
Ang itinatagong damdaminSa bawat sandaling
Tayo ay magkapilingDahil sa iyong harapan
Ako'y iyong kaibiganNa pinipilit makinig
Sa inyong kwentong pag-ibigAt sa bawat pagtalikod ko,
Ay may luhang itinatagoMasakit man sa damdamin
Pero kailangan tanggapinAbot-kamay nga kita,
At palaging kasama,Pero hindi pa rin sapat
Para sa pag-ibig na tapatNgunit hindi ko ipipilit
Ang relasyong nais makamitPara sa hatid na saya
sa pusong umaasaKaya't masaya na ako
Sa kung anong meron tayo
na kahit kailan ay hindi magbabago.Hindi ko isusugal ang ating pinagsamahan,
Kaya't itatago ko na lamang
ang nadaramang pagibig.Basta nandito lang ako,
mananatiling kaibigan mo
kahapon
ngayon
at magpakailanman.--xxRAQUIxx--
