Ikaw at Ako ay magkaiba,
Lupa ako at langit ka.
Sa ugali ay walang pagkakahawig,
Sa pagsasalita man ay gayun din.
Pero sa pagrespeto mo,ako ay tunay na saludo.
Dahil pinapatunayan nito na likas kang mabuting tao
Ikaw at ako ang napili ni kupido,
Ikaw at ako ang pinagtagpo.
Ngunit sabi nila hindi ito ang tamang oras,
para sa ating pangakong hanggang wakas.
Gusto ko nang lumayo,gusto ko nang sumuko.
Dahil lahat ng tao, ay tutol sa relasyong ito.
Pero paano kung "HUWAG KANG BIBITAW" ang sinisigaw ng puso ko
Kaya't kahit kanino ay hindi na magpapatinag.
Sa anumang matatalim na salita
ay hindi na magpapadaig.
Dahil ang isip at puso ko ay nagkasundo,
na ikaw at ako hanggang dulo.
--xxRAQUIxx--
