Bilang Ng Pasakit

6 1 0
                                    

1, ISAng tao lang ang minahal ko ng lubasan.
Kaya't lahat ng oras ko ay sa kanya inilaan . Isang puso lang mayroon ako
kaya't isa tao lang ang mamahalin nito.

2, DALAWAng taon na din ang lumipas,
at ako'y patuloy na naghihintay.
Ito ay paghihintay na may sakit at lumbay,
may takot at kaba na siyang kaagapay.

3, TATLOng salita ang aking patuloy na pinanghahawakan "Babalik ako Mahal".

"Babalik ako Mahal"

"Babalik ako Mahal" yan ang paulit ulit kong nadidinig sa bawat pagpikit ng aking mga mata.

4, APAT na beses sa isang araw kung ikaw ay tumawag.
Tawag na puro paglalambingan at matatamis na salita ang ating pinagsaluhan.

5, Hanggang sa umabot ng LIMA , limang oras na akong naghihintay , ngunit ni isang pangangamusta ay wala na.

6, ANIM na tanong ang nasa isip ko.

Mahal, bakit tayo umabot sa ganito?
Mahal, may iba na bang nakaukit dyan sa puso mo?
Mahal, babalik ka pa nga ba?
Mahal, may TAYO pa ba ?
Mahal, bakit mo ako natitiis?
Mahal mo ba ay hindi na ako?

7, PITOng araw sa isang Linggo ang lumipas , ngunit ikaw ay walang paramdam. Bakit kaya tila palalim ng palalim ang sugat na iyong naiwan sa akin?

8, WALOng kaibigan ko ang nagpayo sa akin
na tigilan na ang kahibangan ko sayo,
at dahil ako ay tuluyan mo na DAW iniwan. Pero hindi ko sila pinakinggan, ni pinaniwalaan .
Kundi tanging ang puso ko lang,
na ang isinisigaw ay pangalan mo pa rin.

9, SIYAM na beses akong nagmakaawa sayo
at hindi na mabilang ang pagluhang nagawa.  Araw at gabi , mga mata ay may luhang ipinapatak,
na tanging ang araw at mga bituin ang naging saksi.
Hanggang sa napagod na ako. Napagod ako sa paulit ulit na nagyayari. Bumangon ako mula sa aking pagkakalugmok at handa nang harapin ang bagong kinabukasan. TANGGAP KO NA.
Tanggap ko na , na ikaw ay WALA NA.

10, Kaya't itong ikaSAMPU, ang pinakamahalaga. Dito ko ibubuhos ang aking panalangin .
MAHAL, pwede bang wag mo na akong hanapin. Hayaan mo muna akong maging mapag-isa. Hayaan mo kong makalimutan kitang tuluyan. Hayaan mo kong magkaroon ng lakas ng loob na harapin ang bukas ng hindi kita kasama.
Mahal, parang-awa mo na , huwag kang magpapakita.
Dahil, baka pag nakita kita , mawala ang sakit na nadarama.
Baka mayakap kita at makalimutan ang lahat.
Huwag muna Mahal, dahil baka ako ay UMASA NA NAMAN.
MAHAL, HUWAG KA MUNANG BABALIK.

--xxRAQUIxx--

KaylupitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon