Ang langit ay naging lupa.
Ang lupa ay naging langit.Tila ba ang lahat
ay biglang umikot ng pilit.Simula noong araw
Na ako'y iyong nilisan,
At para bang sundalong sugatan
Sa gitna ng laban.Ang nasa taas
ay biglang bumaba,Anumang nasa ilalim
ay biglang umibabaw.Ako ang nasa gitna,
Na para bang hindi makahinga.At nagmahal nang lubusan,
Pero ako ay kanyang iniwan.Kaya't ayoko nang lumaban,
Kung kapalit ay kabiguan.Hindi ko na alam
kung kaya ko pa ngang mabuhay,
Maging ang puso
ay tuluyang naging malumbay.Ngunit sa isang iglap nagbago ang lahat.
Mundong madilim ay biglang lumiwanag.
Ngiting kay pait ay biglang tumamis,
Mundong magulo ay naging maayos.At sa mga panahong ako ay sawi,
Lahat nang nakikita ay puro mali,Ngunit dahil sayo lahat ay nagbago.
Isang kang estranghero sa buhay ko.Sa bawat nangyayari ako ay nalilito,
Hindi mawari ang kahulugan nito."Ano ka nga ba sa buhay ko?"
Tanong na sinisigaw ng puso ko.Ikaw ay biglaang dumating
Nang walang pasabi.At ang akala kong aking katapusan,
Ay isa palang panibagong simulain.Ako at siya ay wala na.
Ikaw at ako ay magsisimula na.
Sa iyong ngiti, ako ay nahumaling,
Mga titig mo sa akin ay nagpakilig.Ang tawa mo naman animo'y isang musika,
Kaysarap pakinggan at hindi nakakasawa.Kaya't minahal kita nang higit sa kanya,
At sa piling mo ay naging mas masaya.Sa bawat araw na tayo ay magkasama,
Hindi masukat ang tuwa na aking nadarama.Ngunit isang araw ikaw ay lumapit,
Hinawakan aking kamay nang mahigpit,Subalit ako ay nagtataka,
Habang tumatagal ito
ay unti-unting bumibitaw na.Nais ko pang kumapit,
Pero ito ay inaalis mong pilit.
At "Paalam na" ang iyong sinambit.Hindi agad ako sumuko,
Dahil baka meron pa, kahit kapiraso.Ngunit hindi na kita maramdaman
sa pagdaan ng mga araw.Walang nagawa ang pusong luhaan,
Muling nasugatan sa ikalawang pinagdaanan.Araw at gabi puso ko ay umiiyak,
Maging mga mata ,may luhang ipinapatak.Ang akala kong IKAW NA NGA
Ay HINDI PA PALA.
--xxRAQUIxx--