Chapter: 4

10 2 0
                                    

thank you po sa mga nagbabasa, mahal ko kayo.

Cindy pov

Nagising ako ng 3:00 ng madaling araw ewan ko ba kung bakit pero hindi na ako inaantok sinubukan ko pa ulit na matulog pero hindi na talaga ako maka tulog.

Bumaba ako para uminom ng tubig dahil sa hindi na ako maka tulog. pag baba ko nakita ko si yaya melda na nag luluto 'ang aga naman ata mag luto ni yaya mel'.

"Yaya mel ang aga niyo naman po mag luto ng breakfast" tanong ko sa kanya habang siya hinahalo yung niluluto niya.

"Sabi kasi ng mommy mo aalis daw daddy mo ng 5:00 kaya maaga akong pinag luto"

kumuha nalang ako ng tubig tiyaka ininum.

"oo nga pala yaya bakit ikaw nag luluto ngayon diba si lola puring ang may trabaho niyan" tanong ko kasi ang alam ko si yaya mel ang sa gawaing bahay.

"Pinag pahinga ko na muna si lola puring dahil masakit ang ulo" kaya pala wala si lola puring eh halos siya na unang gumigising sa aming lahat.

"Eh ikaw cindy bakit ang aga mo nagising" tanong ni yaya mel.

"Siguro dahil hindi po ako maka tulog?" patanong na sagot ko.

Maaga pa naman at mamaya pa yung pasok ko siguro mag jogging muna ako dito sa subdivision matagal tagal narin na hindi ko yun nagagawa.

"Yaya jogging lang po ako kapag hinanap po ako nila mommy paki sabi po dito lang ako nag jogging sa subdivision"

Pag kasabi ko nun umakyat ako at nag palit ng damit pag katapos kung mag palit lumabas narin ako at sinimulang mag jogging.

Kahit madilim pa sa daan muka namang hindi nakakatakot dahil sa mga poste na may ilaw at mga bahay.

Patuloy lang ako sa pag takbo ng makarinig ako ng malakas na kalabog napahinto ako at napa tingin doon, banda sa likod ng kotse tatlong kotse yung naka harang kaya hindi ko nakita yung nangyayari kung ano man yun. Lumapit ako ng konti baka sakaling makita ko pagkalapit ko doon unti unti akong sumilip laking gulat ko ng makita yung tatlong lalaki nag susuntukan sila hindi ko maaninag yung mga lalaki dahil madilim parin yung paligid.

Mga wala talagang magawa sa buhay.

Nanood lang ako habang nag bubugbugan sila, bakit kasi ganda kaya ng live show.

"Shit pre may babae" sabay turo sa akin nung lalaki nagulat ako nung ituro ako nung lalaki dahil nakita ako gusto ko ng tumakbo baka kung ano pa mangyari sa akin dito laluna dahil dalawa sila bago ako tumakbo tinignan ko muna yung binugbug nilang isang lalaki hindi kasi siya naka laban dahil dalawa siguro yung kalaban niya. Pero nakaka awa yung lalaki gusto kung tulungan pero mukang hindi ko kaya.

"pre dalhin mo dito yung babae baka mag sumbong pa sa pulis yan" sa narinig ko agad akong tumakbo para hindi nila ako mahabol pero mukang sinundan ako nung isa nag hahabulan kami dito sa daan gustuhin ko mang tumigil sa pagtakbo at labanan siya hindi ko magawa dahil sa may hawak siya ng kutsilyo natakot akong baka sa akin niya maitusok yung kutsilyo nayun.

Takbo lang ako ng takbo ni hindi ko na alam kung saan ako papunta medyo malayo narin yung bahay namin dito yung lalaki namang humabol sa akin kanina hindi ko na alam kung nasaan nayun, hindi ko na rin alam kung sinusundan paba ako nun o kung naka sunod pa ba siya sa akin.

I Try Being a NerdWhere stories live. Discover now