Chapter: 11

17 0 1
                                    

"Yaya mel"

"Bakit Cindy?"

"Si mommy nasaan?" Since mamaya pang 1:00 pm ang pasok ko maglalambing muna ako kay mommy. Sayang at wala si daddy para dalawa silang lalambingin ko.

"Nasa garden. Nagpapahangin" agad agad akong pumunta sa garden at tama nga si yaya nandito si mommy nakaupo sa may bench.

"Mommy!"

"Bakit cindy?"

"Wala lang po"

Tyaka ako tumabi sa kanya at agad siyang niyakap.

"Uy naglalambing yung baby ko"

"Na miss ko po kayo eh!" Paglalambing ko tyaka ko sinumsob yung muka ko sa dibdib niya.

"Ang aga mo ata nagising? Diba mamaya payung pasok mo" naka ngiting sabi ni mommy habang akap akap ako.

"Namiss ko nga po kayo"

"Sus! sige nanga namiss mo na ako"

"Talaga naman po!" Tyaka ako nagpout.

"Anak. May gusto kabang sabihin sa akin" ha? Tungkol saan? May dapat ba akong sabihin?

"Tungkol saan po?"

"Sa kaibigan mong si clark. Diba nung gabing hindi ka dito umuwi sa kanila ka natulog kasinga nilalagnat ka. Anong ginawa niyo boong gabi?"

"Mommy!"

"Joke! Alam ko namang mapagkakatiwalaan yung mga kaibigan mo" sabi nya habang tumatawa pa. Si mommy talaga nangaasar!

"Ahm nag breakfast kanaba?

"Hindi papo"

"Mag breakfast kana doon sa loob"

"Eh kayo po"

"Tapos na ako anak" ano bayan gusto kopa dito eh.

"Ayoko pang kumain. Dito muna ako sa tabi mo mommy" pagmamaktol ko.

"Wag nag makulit cindy! Kumain kana. Wag kang nagpapalipas ng gutom!"

"Ayoko papo mommy"

"Gusto mong tawagan ko daddy mo. Sasabihin ko sa kanya na nagpapalipas ka ng gutom. Gusto mo" si mommy naman. Agad agad akong tumayo sa kinauupua ko.

"Opo. Kakain napo ako. Bye mommy"

Pagkatapos kung kumain. Pumunta ako ako sa kwarto ko para sana maligo kahit maaga pa para sa pagpasok. Papasok palang ako sa cr ng biglang tumunog yung phone ko. May tumatawag. Pagkatingin ko palang nagulat na ako. Bakit niya ako tinawagan?

"Hello" sagot ko kay clark.

"May pasok kaba ngayon?" Tanong niya.

"Mamaya pang 1:00 pm. Bakit?"
Sagot ko

"Pwedi bang magkita tayo ngayon? Doon sa park malapit sa bahay niyo"

"O-ok"

Tyaka niya ako pinatayan. Bakit kami magkikita? Agad agad akong naligo pagkatapos pumunta na ako sa park. Nakita ko naman siya agad doon nakaupo sa isang bench. Tumabi ako sa kanya na nagpatingin sa kanya.

"Bakit?"

"Pwedi bang sumama ka sa akin" saan kami pupunta?

"Saan?"

I Try Being a NerdWhere stories live. Discover now