Chapter: 10

7 1 0
                                    

"Dad, mom alis napo ako" paalam ko sa kanila.

"Ingat" sabay na sabi nila tyaka ako hinalikan sa pisngi.

Pagdating sa school madami dami narin ang tao dahil 10:00 narin. Tatlong subject lang ako ngayon kaya maaga ang uwi ko. Dumiretso na ako sa room buti nalang wala si proof umupo nalang ako sa upuan ko tyaka nagbasa. Kaunti pala yung tao dito wala pa yata kami sa sampo.

May tumabi sa akin at alam na alam ko na kung sino yun.

"Good morning" bati ko. Tinignan niya lang ako tyaka siya dumukdok. Dedma lang ang peg.

Mayamaya dumating narin si ma'am arianne yung first subject ko.

~~~~~~

Pagkatapos ng ilang subject ko pumunta ako sa canteen para sa lunch gutom narin kasi ako, hindi ko na kaya yung gutom ko tumutunog nayung tiyan ko.

"Hi! Pweding patabi wala na kasing maupuan eh" si cyrene. Tumingin tingin ako sa paligid at puno nanga. Tumango nalang ako bilang pagsangayon.

"Boyfriend mo ba si clark?" Hindi nanga ako nagsasalita kinausap niya pa ako. At teka anong sabi niya si clark boyfriend ko.

"Hindi noh!" medyo napalakas yung boses ko kaya nagtinginan yung ibang student. Ang sama nang tingin nila sa akin kaya nag peace sign nalang ako bilang paghingi ng pasensya. Ito kasing si cyrene kung ano ano tinatanong eh.

"Eh bakit nakita ko kayo kahapon. Buhat buhat ka panga ni clark eh" aaahh baka yun yung nawalan na ako ng malay.

"Wala yun. Tinulungan niya lang ako" tumango siya sa sagot ko.

"So friends kayo?"

"Ewan" sagot ko.

"Anong ewan?"

"Basta mahirap e-explain" parang na weirdohan siya sa mga sagot ko.

Biglang tumunog yung phone ko pagkakita ko si Eunice kaya agad ko itong sinagot.

"Hello cindy! I miss you" sigaw niya kaya nailayo ko yung phone ko sa tenga ko.

"I miss you to Eunice! Miss ko nayung mga classmates ko diyan. Miss ko na kayong lahat" masayang banggit ko.

"Punta ako sa inyo mamaya ah! Miss na talaga kita eh" sabi niya. Buti nalang maaga uwi ko ngayon.

"Ok, maaga naman uwi ko ngayon eh"

"Ok, sige na sige na' nandito nayung proof namin eh. Tyaka nga pala pinakukumusta ka ni kuya sa akin. Bye" tyaka niya pinatay.

Tinapos ko lang yung kinakain ko tyaka na ako nagpaalam kay cyrene pupunta na ako sa last subject ko for today at para makauwi at makita na si Eunice, miss na miss ko nayung babaeng yun. Sakto rin pala yung dating ko sa room dahil nandoon narin si proof.

Habang nagkaklase si prof hindi ko magawang makinig dahil naiisip ko si yaya puring. Narinig ko kasi si mom and dad na naguusap at tungkol kay yaya puring masyado nadaw kasing matanda si yaya or lola kaya hindi na siya makakilos minsan at dami na niyang nararamdaman sa katawan siya. Minsan masakit yung ulo niya, minsan naman paa naman niya yung sumasakit, tapos minsan bigla bigla nalang siya matutumba. Natatakot lang ako na umalis na sa amin si yaya puring parang lola ko nayun bata palang si mommy si yaya na nagaalaga kay mom at sa akin narin.

I Try Being a NerdWhere stories live. Discover now