Chapter 2

5.6K 188 18
                                    

Pinagpatuloy ko ang pagbabasa ng article tungkol kay Casper Montgomery. Ang sabi dito sa Article, namatay daw siya at the age of 28 noong 1995. Nakita siyang may tama ng baril sa puso sa Laboratory nila sa Montana. Walang nangyari sa investigation dahil walang witness. Nawala naman after ng libing ang rumoured girlfriend nito na si Dr. Angeline Anderson.

I was born on 1996... Is it possible na si Casper ang tatay ko? Could it be? Oh God, mommy... paano ko hahanapin ang patay? Ano ang pinapagawa mo sa akin? My God...

Pinakatitigan ko ang kakaunting picture ni Casper Montgonery. Matangos ang ilong, malamlam ang mga mata at lagi siyang nakangiti. Ikaw ba ang tatay ko? Bakit parang merong part ng isip ko ang ayaw iyong tanggapin.

Kinuha ko ang last journal ni mommy. There was a letter on the last page that was addressed to me.

Dear Clary,

By now, I know you have so many questions that I was not able to answer. Yes, I am Angeline Anderson, the missing scientist. Clary, if you will search the Balance of Life Theory, it will direct you to Dr. Liam Jenkins, but he is not the main author of that. It was Casper Montgomery. My journal will explain to you all that you need to know. Don't be afraid, my daughter. Read all of my journals, start from the first... After you read all and understand what I want you to do, bury all my journal together with my ash. Put it on one sealed casket and bury it. Do not give it to Liam or to anyone besides Casper. Now, my child, you will find Casper at Montana. On his grave where the angel has fallen. I know he is waiting for I talk to him before I left the US continent. Bring him to life, Clary. That is what I want you to do. Bring him to life.

I am counting on you. I love you, my child.

Mom

I read the letter again and again and again... Does my mom go crazy without my knowledge? How can I bring a dead man to life? Dammit... kaya kami iniiwasan ng mga tao dito at tinatawag na baliw. Nabaliw na yata si mommy...

Diyos ko, anong gulo 'tong papasukin ko?
Pinagpatuloy ko ang pagbabasa ng journal ni mommy hanggang sa makatulog ako. Tahimik ang buong bahay pagkagising ko. Ang lungkot ng pakiramdam ng mag-isa kaya pumunta ako sa kwarto ni mama at nahiga sa kama niya. Ramdam ko ang pangungulila sa kanya. Niyakap ko ang unan ni mommy at doon umiyak. Umiyak ako ng umiyak hanggang sa wala na akong luhang mailabas.

Mayroon akong isang notebook na nakapa sa ilalim ng unan ni mommy. Sumandal ako sa headboard para basahin iyon. Napapangiti ako dahil ang dami na niyang iniwang journal sa akin para basahin, meron pang pahabol sa ilalim ng unan. Binuklat ko ang unang page. It is another letter for me.

Clary,
I know you are in my room and probably crying. My daughter, dry your tears as I may be away from you but you will not be alone for too long. Your journey will start from here. Go to my drawer.

Napatigil ako sa pagbabasa at binuksan ang drawer ni mommy.

Now, open the wooden box on below drawer. You will see all of my bank passbooks. The money was in your name now, use it for your quest. But first, my child. Read all the journal before you go. I love you, Clary.

-Mom

Nanlaki ang mata ko sa amount ng pera ni mommy na iniwan sa akin. Millions of dollars were in my name now.

"Mom...bakit hindi mo pinaliwanag sa akin lahat ng nabubuhay ka pa?" Nanlalambot akong bumalik sa kama niya at tumitig sa kisame habang hawak ang mga passbook sa puso ko.


------------------

A/N

Mababasa ang buong story ng Casper sa www.nobelista.com for free.

Casper (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon