Levi Devine POV
"Elijang Kapre bilisan mo na! Madami pa tayong bibilhin!" Kaasar tong elijah na to! Ambagal gumalaw babae lang!
Sembreak namin ngayon. So it means 2 weeks kaming walang pasok sem break na 1 week dagdagan mo pa ng school seminar ng 1 week oh diba bonggalicious.
"Oo na!" Sigaw naman niya.
"Bagal eh."
"Tumahimik ka o hahalikan kita." Banta niya sakin. Syempre magsasalita lang ako ng magsasalita para may halik hahaha charot!
"Syempre hahalikan mok------- waaaaaaaaaaah Elijah taena ka! Jowk lang jowk! Taympers!" Napasigaw bigla ako ng bigla niya akong daganan buti nalang at nakaupo ako sa sofa.
"Ano ka ngayon?" Pigil tawang sabi niya.
"Jowk lang! Hahahaha pota ka."
"Oh halika na nga!" Sabi niy at tumayo na.
Well! Wishing Well! Wala yung kotse ni kuya niya kaya motor motor muna pag may time. Lapit lang naman ng supermarket dito eh.
"Oh hawak ka sa abs ng gwapong ito." Sabi niya sabay turo sa sarili niya.
Syempre wish granted. Niyakap ko naman siya ng walang pag aalinlangan. Ano pa ba?
Ng makarating kami sa supermarket ay nagpasya kaming maghiwalay para mabilis kaming mag grocery
Pero nung nagsimula na akong hanapin yung mga kailangan sa apartment biglang may nahagip yung mata ko, mali di pala nahagip. Nakipagtitigan ako.
Si.. si.. si Brian.
Naka shirt na white na medyo fit kaya halata yung gym built body niya plus sweat floral short na tenernohan ng sandals.
Ang gwapo niya parin.
"Levi." Sabi niya.
Tatalikod na sana ako ng bigla niyang mahawakan yung wrist ko at niyakap ako ng mahigpit.
Di ako makaimik dahil sa nangyayari! Naguguluhan ako.
Teka lang anong nangyayari sakin? Levi bakit ka naiiyak. Bakit mukhang bumalik lahat ng sakit na naramdaman ko.
Ayoko na Levi! Nakikipaghiwalay na ako. Ako na ang hihiling na kalimutan mo na ako. Kalimutan mo na ang lahat at burahin ako sa isip mo. Wala ka ng kilalang brian simula ngayon.
Iyan ang mismong sinabi niya noon! Yan ang mga katagang nakapagpahina sa pagkatao ko. Yan ang sumira at dumurog sa kung ano ako.
Di ko na malayan na isinakay niya pala ako sa isang kotseng pula. Kotse niya ba to? Kelan pa siya nag ka kotse.
"Ibaba mo ako!" Madiin kong sabi. "Di kita kilala pwede kitang idemanda ng kidnapping."
"Di kita ibaba levi! Ayoko ng pakawalan ka pa! Levi please kalimutan na natin yung nakaraan."
"Huh? Teka sino ka ba? Di kita kilala." Nagmumukha na akong tanga dito! Pero yun ang hiniling niya ang kalimutan ko na ang isang brian.
"Levi naman please." Naiiyak niyang tugon.
"Kuya di po kita kilala eh. Pababa nalang ako dito."
"Alam kong sinabi kong kalimutan mo ako Levi. Pero please kalimutan mo na ang nakaraan, gumawa ulit tayo ng baging tadhana natin." Di na ako magpapaloko pa Brian! Hinding hindi. Hindi sayo! Hindi sa kanino man.
"Kuya nga di kita kilala." Well best actor here I am. Hahaha.
Pero yung totoo. Gusto ko ng sumigaw. Gusto kong isigaw lahat ng sakit na muli kong naramdaman.
"Kinalimutan mo man ako Levi, ibabalik ko ang lahat ng alaala ko sayo." Mahinahon niyang sabi sabay balik sa pag ddrive.
Kilala ko si brian kahit anong pagpapanggap ko pa. Di niya naman ako papababain dito. So why not I save my energy para naman kapag tumigil kami somewhere ay makakatakas ako.
Sumandig lang ako sa upuan at tumingin sa kanya.
Namiss ko siya, masakit man aminin pero oo! Namiss ko nga talaga siya.
Mas lalo siyang gumwapo ngayon.
"Please levi, tigilan mo na ang pagpapanggap!" Mahinahon niyang sabi. Nakakapagod nga rin. Obvious naman na di ko siya 'kinalimutan' or 'nakalimutan'
"Pwede ba brian ibaba mo na ako!" Walang emosyong sagot ko sakanya na habang nakatingin sa kanya.
"Pasensya na Levi, pero di ko muna susundin yang sinasabi mo. I neednto fix things."
"Wala ka ng dapat pang ayusin pa. Ang mga basag na ay mananatiling basag pagdikitdikitin mo man." Makahulugan kong sagot.
Binasag niya ang pagkatao! Binasag niya ako! AKO! Pinilit kong ayusing yung sarili ko but im just too broke to be fix. Oo, sumuko ako.
Ayoko na kasing ayusin pa eh, until my friends came they helped me a lot.
Elijah is my saviour, he is someone who makes me laugh hard araw araw.
Hindi ko na alam ang gagawin ko. Nakalock yung pinto ng kotse ayoko namang tumalon.
Palubog na rin ang araw which means malayo layo ang byinabyahe namin.
"San mo ba talaga ako dadalhin?" Walang emosyon kong tanong.
"Malalaman mo din mamaya Levi. Sorry."
Inirapan ko nalang siya at tumingin nalang sa labas.
Naiinis din ako sa sarili ko. Why is that Im letting this bastard take me?
Pinilit ko nalang ang sarili kong matulog para naman kahit papano makalimutan kong kinidnap ako ng ex ko na iniwan ako dahil sa di ko alam na dahilan.
BINABASA MO ANG
FLIRT SERIES: No String Attached
General FictionThis is a story about a gay and the boys.