Levin Devine POV
May meeting kami ngayon sa ssg dahil sa paparating na event namin kaya medyo busy busy person na naman ako.
"Oh pat bat ka andito?" Pag labas ko ng room ay sakto naman na dating ni Pat.
"Sinusundo ka." Sagot ni pat. "Sabay na tayo papunta sa meeting place." Nakangiti niyang sabi.
"Uhmmm teka lang. Arian at Gab mauna na ako may meeting pa kami eh." Sigaw ko.m at kumaway sa kanila.
Kumaway din sila. Busy sila eh may tinatapos silang dalawa eh.
"Tara na." Sabi ko at nagpatiuna na.
"Bat ka pala absent kahapon. Hinahanap kita eh?" Basag ni Pat sa katahimikan.
"Hang over alam mo na. Thank you pala at inalalayan mo ako nung sunday hahahaha." Nahihiya kong sabi.
"Okay lang yun para namang iba ka sakin diba." Sagot naman niya sabay ngiti.
Ang genuine nung ngiti niya kita mo talagang colgate toothpaste niya hahahaha joke. Azar!
Ng makarating kami ng room ng pagmemeetingan namin ay pinagbuksan niya ako ng pinto.
Pag pasok namin ay jusko late na kami nagsisimula na sila.
"Ayiieee! Hoy bakla bat kayo magkasama ni Pat?" Sigaw ni Kath.
"Ano ba di ka ba updated ang tsismis ay sila na daw." Sigaw pa ni Rose.
"Anong pinagsasabi niyo? Pres oh!" Sumbong ko kay pres.
"Hepsikels! Tama na yan! Proceed na tayo. Since Late kayo levi ikaw ang taga sulat ko sa board! Hala galaw!" Sabi ng pres namin na agad ko namang sinunod.
Sa unahan din umupo si Pat kung saan malapit sa board.
"Going back to our topic, Here are our agendas. Levi pasulat naman. First, Annual plan for academic year chu chu chu chu." Ako naman si di na magkandaugaga kakasulat ang bilis kasi magsalita ni Pres.
Ng ineexplain niya na yung agendas isa isa at di naman kailangan magsulat ay lumapit ako kay Pat.
"Upo ka muna." Alok niya. "Mukhang pawis na pawis ka."
"Wala naman ng upuan eh. Ang init kasi." Sagot ko naman.
"Dito ka nalang sa kandungan ko." Saad naman ni Pat at hinila ako.
Wala na akong nagawa kundi ang umupo sa kandungan niya at ibinalik ko ang focus ko kay Pres na nagsasalita pa.
"Tsk! Pawis ka na oh." Rinig kong sambit ni pat bago niya punasan yung mukha ko ng tissue.
Nginitian ko naman siya dahil sa ginawa niya.
"Harap ka nga ng maayos." Sabi niya na sinunod ko naman. Pinunasan niya lang yung mukha ko.
"HOY LEVI! SABI KO ISULAT MO YUNG WORKING COMMITTEES!" Natatawang sambit ni pres. "Ang sweet sweet di na nakikinig eh."
"Ay naku pres! Yaan mo na nga yan nilalanggam na ako eh." Singit naman ng isa pa naming co officer.
Natawa naman kami ni Pat dahil dun di ko na kasi napansin eh. So ayun balik ako sa ginagawa ko. Every magpapause ako ng pagsusulat pinapalapit ako ni Pat sa kanya at pinupunasan niya ako.
Ng matapos kami ay kanya kanyang kwentuhan muna bago umuwi.
"Bantot mo na Levi. Halika nga papabanguhan kita. Tsk" Sabi ni Pat at hinila niya ako.
Kinuha niya yung Perfume niyang woodscent at inisprayan ako sa leeg at sa damit.
Pinaupo niya ako sa table at pinunasan niya ulit ako.
"Di naman mainit ha." Sabi niya. "Bat pawis na pawis ka."
"Eh wala ngang electricfan sa unahan eh." Sagot ko naman.
"Ay oo nga noh." Pinatuloy niya lang ang pagayos saakin at pinulbusan niya pa mukha ko.
Ng matapos ay sabay kaming napatingin sa mga kasamahan namin ng biglang may nag flash na liwanag. Galing yun sa camera.
"Ano yun?" Tanong ko.
"Nakakahiya naman daw sainyo beshy." Sabi nung isa pa naming ka co officer.
Ng tinignan ko ang position namin ni Pat ay nahiya nga ako. Para kasi aming couple eh. Nakaupo ako sa table at nakatayo naman sa gitna ko si Pat habang inaayusaninaayusan ako. Ako naman kasi ay nakapulupot yung mga braso ko sa bewang niya at siya naman ay pinupulbusan ako.
"Panira talaga kayo ng moment noh! Alis na kasi kayo." Sabi naman ni Pat.
Natawa nalang din sila dahil sa inasal ni pat.
Ng maghapon na ay di muna kami umuwi kasi may gagawin pa ako. Kelangan ko pamg mag room to room para magannounce ng kaekekan hahaha.
Nandyan naman si pat na inaalalayan ako at pinapaypayan ako.
"Clarification?" Tanong ko ng matapos kong iaannounce yung sasabihin ko sa isang section.
"Uhm kuya levi!" Taas kamay na sabi ng isang Grade 11 Stem student.
"Ano yun?"
"Boyfriend mo na ba si Kuya Pat?" Diretsahang tanong nito.
"Hala! Hindi po. Magkaibigan lang kami." Dipensa ko naman.
Tinignan ko naman si Pat at siya naman ay ngiti ngiti naman.
"Eh bat ang sweet niyo." Follow up pa nito.
"Sweet po talaga ako sa lahat ng friends ko." Ngiti kong sagot
![](https://img.wattpad.com/cover/152421858-288-k976586.jpg)
BINABASA MO ANG
FLIRT SERIES: No String Attached
Ficción GeneralThis is a story about a gay and the boys.