💜Chapter 52💜

18 1 0
                                    

Lianna's p.o.v

Nakalipas ang 3 linggo panay ang bisita sakin ni Rocky, Jin, Maximo, at Se-an pero yung dalawa di pa nagpaparamdam pero pakiramdam ko isa sa kanila magpapakita sakin.

Tapos ko narin photobook nila! With the help of Rocky ofcourse! Nagpuyatan nga kami eh para matapos yun tas sa office narin natulog. Tinatamad na kasi ako umuwi eh gaya-gaya si Rocky kaya doon din siya natulog. Parang Shonga.

"Lia!"-sigaw mula sa baba

Nasa bahay ako.... I mean sa kuwarto ko nakahilata.

Napabangon ako bigla... Boses kasi ni Calix yun.

"Oh?!"-sigaw ko pabalik at humilata ulit.

"Bumaba ka dito!"-sigaw niya

Tumayo ako ng padabog. Aba at inuutusan ako neto.
Bumaba agad ako at nakita ko siya na parang kinakabahan at pinagpapawisan pa.

"Ano nangyare?"-tanong ko

Wala kasi si Kuya Lawrence nasa Chicago para sa bagong client habang si Kuya Maxel nasa Los Angeles. Sila na! Sila na ang nasa ibang bansa.

"Si Nixon."-kinakabahan na sabi niya

Kaya kinabahan narin ako.

"Ano nangyare kay Nixon?"-natatarantang tanong ko

Nireject ko rin kasi siya, at pati si Calix dahil sabi ko pagiisipan ko muna kung sino pero ngayon alam ko na.

"Aalis na. Pupunta na siya ng ibang bansa!"-sabi niya sakin

"Wala naman akong magagawa eh."-sabi ko

Naikinainis niya. "Sorry I have to say this. Sira kaba?! Ipaglaban mo yung nararamdaman mo! Hayaan mo kaming masaktan dahil ang isang tao marunong mag move on kaya fighting lang!"

Lumakas naman ang loob ko atsaka hinawakan yung braso niya.

"Ihatid moko?"-nakangiti kong tanong sa kanya

"Sabi na eh... Oo tara na! Baka dimo maabutan yun!"-sabi niya

"Salamat Calix!"-sabi ko

"Oo oo basta para sa kaligayahan mo tara na."-sabi niya sabay hatak sakin at tinulungan ako maglock ng gate

Hintayin moko, Nixon.

Nixon's p.o.v

"Oy guys pano ba yan? Bakasyon muna ko ah."-sabi ko

Gusto ko muna makalimot. That's all pero wala akong balak manirahan sa Canada.

"Wag muna! Excited ka talagang iwan kami eh no!"-inis na sabi ni Maximo

"Apaka! Hoy umayos ka ah! ang tagal tagal nating magkasama tas iiwan mo kami ng ganun ganun nalang! How dare you!"-sumbat naman ni Jin

"First time mo umalis na di kami kasama ah... Ayos ka lang?"-sarcastic na sabi ni Rocky

"Ang saya saya mo pa."-sabi naman ni Se-an na iiling-iling pa

"Eh g*go yan eh."-sabi ni Jin

"Tanga! Syempre makakapagpahinga ako."-natatawa kong sabi

"Pahinga ka dyan baka mamaya makabuntis ka dun."-sabi naman ni Rocky

"Baliw. Di naman ako ganun tinulad moko sayo."-sabi ko atsaka tumawa

"Hoy! Matino ako! matino!"-sigaw niya sakin at dinutdot pa yung sarili niya

"Hahahahha! Payn payn."-sabi ko

My CBF Loves Me As A WomanWhere stories live. Discover now