Sana was so lucky to have an amazing girl named Chou Tzuyu. Halos tatlong taon na ang kanilang tinatagong relasyon. Lagi silang nag tatago, tuwing gabi nagkikita para walang makakita sa kanila. Patagong nag susulyapan, patagong nag hahawakan ng kamay, patagong nag hahalikan.. Patagong nag mamahalan..
Mahal na mahal nila ang isa't isa hangang sa unti-unting naaawa ang nakababata sa sarili niya. Gusto niyang itanong sa kasintahan, kung mahal ba talaga siya nito. Kung, bakit kailangan pa nila itago ang relasyon nila? Kung bakit pa nito kailangang sumama sa iba kapag wala siya..
Habang nasa isang café kasama ang isang kaibigang babae na nag ngangalang Kim Dahyun, tinawagan niya ang kasingtahan.
Ring ring.. Ring ring..
"Hello Tzu?"
"Where are you?" Walang ganang tanong sa kabilang linya.
"With my group mates," Sagot ng nakatatanda. "'Di ba sinabi ko na sa'yo kanina na may group project kami na kailangang gawin." Dahilan niya.
Sa totoo lang, kita niya ang kasingtahan mula sa kinauupuan na may kasamang babae. Si Eunha. Isang napakalapit na kaibigan sa kaniya. Nakikita niya ang mga kakaibang ngiti ng kasingtahan habang nakatingin sa kaibigan.
Pinatay niya ang tawag.
Isang pag wasak ng puso. Iyan ang narining ni Tzuyu sa loob ng dibdib niya habang pinag mamasdan ang dalawang masayang masaya.
Gusto niyang sugudin ang dalawa. Gusto niyang itanong sa kasintahan kung bakit sila mag kasama. Gusto niyang itanong kung bakit kailangan niya pang mag sinungaling. Kaso, nag dadalawang isip siya, baka mag tanong ang kaibigan at magalit ang kasintahan sa kaniya.
Unti-unting tumulo ang pinipigilang luha. Unti-unting nanikip ang dibdib na parang hindi na makahinga sa sobrang sakit. Paulit-ulit sinisigaw ng puso niya na ayaw na niya, tama na, maawa na sa kaniya.
Hindi ito ang unang beses na nakita niya ang kasintahan na may kasamang iba. Pang apat na beses na niya ito nakita.
Noong isang linggo lang, nakita niya itong kasama si Somi sa isang mamahaling kainan. Masayang nagkukwentuhan.
Doon siya unang nag doubt kung seryoso ba talaga sa kaniya ang kasintahan.At ngayon, sigurado na siya. Siguradong-sigurado na siya sa kahahantungan ng tinatagong relasyon nila.
Natatarantang nilapitan siya ni Dahyun at binigyan siya ng panyo, "Bakit, Tzuyu?" Nag aalalang tanong ng kaibigan.
"Unnie, I need your help.."
'-'-'-'-'-'-'
Nakaupo sa isang bench ng parke sina Tzuyu at Dahyun habang hinihintay si Sana..
"Tzu, are you sure 'bout this?" Kinakabahang tanong ni Dahyun.
Ngayon niya lang kasi ito gagawin. At alam niyang may masisira kapag ipinag patuloy nila ito.
BINABASA MO ANG
The Nine Dorks
HumorANG LIBRONG ITO AY KAILANGAN NG GABAY NG MGA WANSU NA RATED SPG NA MAARING MAY MASESELANG LENGGWAHE, KAHARASAN, SEKSWAL, KALANDIAN, KABAKLAAN, KALOKOHAN, NA HINDI ANGKOP SA MGA TRAYSU • Highest Rank : #1 JeongMo tag • • Highest Rank : #1 MiChaeng ta...