Special Chapter 2 (Nayeon's)

215 4 0
                                    


late ud.

-----------

Hi, ang ganda ganda ko today. Pero, always naman akong maganda, kaya ang ganda ganda ko talaga.

Nandito nga pala ako ngayon sa isang pribadong kainan, hinihintay ang aking pinakamamahal na hari. Yoo Jeongyeon, everyone. May date kasi kami kasi birthday ko. Shh lang kayo ha? Hihihi.

"Ang tagal naman ni Jeong."

Sa totoo lang, mga trenta minutos na akong nag hihintay rito. Kahit iniisip ko na baka hindi na naman ako siputin ng mahal na hari, iniisip ko pa rin na sisiputin niya ako kasi ang ganda ganda ko.

Okay, Non-sense.

"Ugh! Kaunting tiis nalang, Gandayeon."

Payt payt, selp! Malapit na talagang dumating ang hari mo. Malay mo, natraffic lang. O kaya may importanteng ginagawa. O kasama si Momo. Darn it! Huwag kang mag-iisip ng ganoon, brain ha?! Keep calm and love your self bcos you're so pretty.

Ayan na! Lumapit na naman sa akin ang nakakairitang waitress.

"Miss, halos thirty minutes na po kayo nandito. May ioorder po ba kayo?"

Tinaasan ko siya ng napakaganda kong bagong kilay lang, "How many time do I have to tell you, may hinihintay pa nga ako diba?" Pag-tataray ko sa kaniya. "At, parating na ang date ko, mag hintay ka lang kapag sinabi kong oorder na ang dyosa, okie?"

Tumango lang ang nakakairitang waitress at sinenyasan ko na umalis na.

Tatayo na sana ako para mag CR nang may narining akong pag gitara.

"It's turning out just another day.."

May kumakanta. Napaka gandang boses. Napaka pamilyar na boses.

Lumingon ako..

"Jeongyeon.."

Kumakanta ang hari! Kinakantahan ako ng aking pinakamamahal na hari!

Unti-unti siyang lumapit sa akin habang gamit ang napakaganda ng ngiti na nakakabaliw.

"I took a shower and I went on my way
I stopped there as usual
Had a coffee and pie
When i turned to leave
I couldn't believe my eyes.."

Ihing-ihi na ako tuktuneks.

"Jeong, wait lang ha? Jijingle lang ako. Ipagpatuloy mo lang 'yan."

At tumakbo na ako papuntang comfort room.

Napakalakas ng tibok ng puso ko. Parang gusto na nitong lumabas at sumama sa aking hari.

The Nine DorksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon