Chapter 3- Speechless, I love you ^*^

63 4 0
                                    

July 26 

Kinabukasan, (obvious ba?!) hindi parin ako maka-get-over sa pag-aalaga sa'kin ni Demiane. Grabe ang saya ko lang ang dami kong nagawang kabalbalan sa kanya pero gano'n pa rin yung isinukli niya sa'kin. Puro kabutihan at pag-aaruga ang natanggap ko mula sa kanya. 

Nasa school na ako ngayon, at kahit na late ako pumasok pa rin ako. 

Takbo. 

Takbo. 

Hinto. 

Room na namin kasi kaya huminto na ako. 

Paktay!! Nandiyan na si Ma'am Sanchez. Ang number 1 na late sa klase. Haha. 

Erase. Erase. Anong sabi niya??

"Inuulit ko class, kung sino mang ma-late sa susunod na mga araw ay mapupunta na sa disciplinary committee with Miss Dimakatarungan ah. Clear??" 

"Ma'am so kapag na-late kayo dadalhin din po kayo do'n?" epal ng classmate kong si kuya Mark. Oo nga noh, late kaya lagi si Ma'am. Kaya wala siyang takas. 

"Mr. Epal sa mundo, late ba ako ngayon? Nagbagong buhay na ako noh!" sabay smirk ko sa likod, alam ko hindi niya pa ako nakikita. Haha. "Miss Veranda! Late ka na naman! Magbago ka na rin ah!"

"Yes Ma'am!" buti na lang hindi ngayon yung simula ng disciplinary chu-chu sa academy na 'to. 

Dumaan ang ilang subjects at burn-out na ako. Nakaka-bobo kasi e. Ang daming computations. Kahit na math ang forte ko. Minsan nakaka-draine na rin. 

"Subukan mo kayang mag-alarm clock. " 

Pati pala 'tong si Demiane concern sa pagiging late ko. 

:D

Wala lang masaya ako e. Concern siya hahahahaha. 

"Hindi ako gumagamit no'n e. Hindi kasi effective. Kung kayo binabato niyo ang alarm clock ako, musika sa'kin yun e kaya gano'n. "

"Edi gumamit ka ng kakaibang alarm clock. "

"Ha? Anong kakaibang AC? Pare-parehasa lang naman sila. "

(Pinaliit ko na lang nakakatamad mag-type e.)

"Try mo 'to..."

May binigay siyang box at nang bukasan ko hindi nga pamilyar ang nakita ko. Parang robot na ewan. Nabagsakan ata ng alien kaya hindi ko alam kung ano 'to.  

"Alarm clock ko 'yan kapag madaling araw kailangan kong magreview. " ikaw na ang masipag noh!

"Gano'n ba, e pa'no ka na niyan?" kapag binigay mo 'to wala ng gigising sa'yo. " Weh, gusto ko nito!!! Akin na lang 'to ah. Kasi ngayon lang ako nakakita ng ganito. Sana ito nanlang yung binigay mo nung birthday ko. 

"Sa'yo na 'yan ako ng bahala sa'kin ah. "

"THANK YOU!!" with tantalizing eyes!!!! We are officially friends na talaga!

"Pero ibabalik ko 'to sa'yo kapag sanay na akong magising ng maaga. " 

@_@

Sincere ako do'n noh! Sana makalimutan ko 'yung pangako ko hahahaha. 

Pag-uwe ko ginamit ko agad. Sinet ko na yung pagkaaga-agang oras ng pasok namin. Ok! 

Tulog. 

Tulog. 

Tulog. 

Ring....

Ring...

Ring.............

My Love Story Calendar <3Where stories live. Discover now