August 5
Birthday ni tita Desiree ang mama ni Kyle kaya nagparty kami sa bahay kahit wala siya. Naka-skype na lang siya kaya nakakausap namin siya.
"TITA, HAPPY BIRTHDAY TO YOU!!!!" bati ko sa kanya ako ang pinakamasayang bumati sa kanya kasi masaya lang talaga ako noh.
Ito na naman ang panahon para kulitin ko si papa. Hahaha.
"Tita, kailan po ba kayo magpapakasal kay papa? Para maging mommy na po kita!!" oo ang mga anak ang pumipilit sa mga magulang na magpakasal.
"Nako anak hintayin ko munang mag-propose ang papa mo para makauwi na ako diyan. Hahaha"
"Si tita Desiree talaga oh masyadong mapagbiro. " Tahimik lang si Kyle kaya si papa ang kukulitin ko.
"Pa pwede na pala e. Isang propose mo lang po pakakasalan ka na ni tita Desiree! Yehey konti na lang magiging kapatid ko na si Kyle.
Biglang umakyat si Kyle may kukunin ata e. Well never mind the party is on. Kasama naming magcelebrate yung mga kaibigan ni mommy Desiree (di ba bagay?)
"Nako anak wag ka ng mapilit diyan ah, pwede change topic?"
"Uy, kinikilig si papa hahahahaha."
Nakikita ko sa mga mata ni tita na masayang- masaya siya. Alam kong mas sasaya siya kapag pinakasalan siya ni papa. Ang alam ko unang niligawan ni papa si tita Desiree ang kaso nga lang sinagot na ni tita ang asawa niya bago pa lumalim ang ugnayan nila ni papa sa isa't-isa.
Kaya si mama na ang niligawan ni papa at na-inlove nga sila sa isa't -isa. Ako nga ang magandang bunga.
Nako asan na kaya si Kyle super party na oh wala naman siya. Ang KJ talaga oh.
Umakyat ako sa itaas at nakita siya sa kwarto niya. Mukhang nagmumukmok itong si Kyle ah.
"O, bakit nandito ka? KJ ka ba o sadyang nagmimiasim lang?"
"hmmmm. " Ay leshe!! Grabe 'tong kausap ko hindi ko makausap ng matino.
"Kyle may problema ka ba? O ako ang mamomobrelema sa'yo kapag hindi mo sinabe?" kapag ganyan na ang tono ko magsasalita na 'yan. Alam niyang naiinis na ako e.
"Si mama kasi e.... Ayaw niya pang umuwe e. "
Yun pala ang dahil. Kahit yun lang naman talaga ang dahilan. Kaya nga pinapakasal ko na sila e para hindi na malungkot si Kyle.
<Kyle's POV>
"Si mama kasi e.... Ayaw niya pang umuwe e. "
Ayokong magpakasal sila dahil ayokong maging kapatid and BIG CRUSH KO!!!!
"I love you besie..." Hindi niya ako narinig dahil sobrang hina ng boses ko.
Noon pa man, crush ko na si Mae-mae gusto ko siyang pakasalan balang araw. Ayokong maging magkapilido kami sa huli.
:'(
Ayoko talaga. Pero anak ng baklang tipaklong o! Lagi na lang binubuksan ni Mae-mae ang topic na pagpapakasal nina mama!! Kainis talaga ah!!!
Mahal kita Mae-mae !! Kung alam mo lang!!!
August 26
Isang buwan na rin nung matapos ang paghagulgol ko sa mall. Haaaaay, hindi ko inaakalang mangyayari yon.
Sobrang kinikilig ako kapag naaalala ko 'yun.
"Haaaaaaay. " buntong- breath ko. Hahaah
"May masakit ba sa'yo?" super concern nitong katabi ko oh!!! Kinikilig ako!!!! Ayiiiiieeeeehhh!!!!

YOU ARE READING
My Love Story Calendar <3
RomanceDo you believe in "The more you hate, the more you love?" Hindi nananiniwala si Mae- Mae diyan bitter siya e. Pero nang nakita niya ng page-effort ni Demiane Isamu, parang gusto na niyang maniwala. "Parang isang anghel na bumaba sa langit. Isang mal...