My Love Story Calendar <3

406 11 3
                                    

Copyright @ 2012

WARNING:

Ang mababasa ninyong storya ay hango sa tunay na nangyari sa isang tao sadyang binago ang ilang mga eksena at pangalan ng tao upang maging mas maganda ang conflict ng storya. Kung may mabasa kayong mga pamilyar na eksena at pangalan ay ipagbigay alam lamang po sa mga autoridad at sa author ng storyang ito. Mag-message lang po kayo sa author. Salamat

Simula.

May 3

"Mae- mae!"

Tawag saken ng papa ko. Hindi ako sumagot dahil nagtutulog-tulugan ako. Tinatamad akong tumayo kaya ayaw kong magpaistorbo sa kwarto ko.

"Mae- mae!" tawag niya ulit.

"Po," walang gana kong sagot.

"Kilala mo ba yung nasa may pintuan?" pagkasabi niya non ay dumungaw ako sa maliit na bintana ng attic kung saan ako nagmumukmok kanina pa.

Ang reaksyon ko?

~O.O~

Sino ba 'tong mga 'to??!!! Bakit ba kailangan may dalaw ako sa birthday ko?! Ang ayoko lang naman e yung alam nilang birthday ko ngayon at pumunta pa sila dito sa mansyon --err-- bahay namen??!! Grrrrrrr!!!!

"Pasok kayo," sambit ni papa sa mga estranghero. Si papa talaga o gumagana ang pagka- hospitable kahit hindi kilala. :( i hate this feeling!!

" Anong masamang hangin ang nagdala sa inyong tatlo dito?" in sarcastic tune, pagbungad ko agad.

" Mabuting hangin naman ang nagdala sa'min dito noh," ani ni Ver ang nagiisang babae sa kanilang tatlo.

-.-

"Haaaay," buntong hininga ni Jayson. Ang pinakamakulit sa kanilang tatlo hndi ko talaga alam kung bakit sumama tong little creature na 'to, uminom na ba 'to ng gatas sa nanay niya bakit parang walang energy?" Ikaw na nga 'tong pinupuntahan ikaw pang galit."

"Ah, ganun ba baka gusto niyong lumabas na lang at magpahangin ng tamang hangin dahil iba pala ang nai-vulcanize diyan sa mga utak nyo di ba??"

" Anak magtigil ka nga diyan! Buti nga nandito sila at tamang- tama birthday mo. Mga anak pagpasensyahan nio na itong si Margot Maery ah at parang nagkakaro'n lagi 'to kapag bithday niya e." smirk ni papa

@.@

Ako pa ang napagdiskitahang pagalitan ng only papa ko! Grr! Humanda kayong tatlo sa'kin sa school sa pasukan!!! Mark my word este my thoughts pala! Inis! Inis! Inis!

" A-ah e-eh, "

Alam mo kung sino yan? Natatae ata yan e. Teka bakit kaya nandito yan? Hindi nga ako pinapansin yan noon sa school e classmate ko yan e kaso ayaw ko siyang ipakilala sa inyo dahil isa yan sa naging dahilan kung bakita ako bitter!!!

~flashback~

August 3

"Mae-mae sino na ba ang nagustuhan mo dito sa section-Darwin? Ilagay mo diyan sa illustration board at para malaman natin kung sino ang mabibigyan mo ng letter sa Valentines Day" sambit ni Kyle. Siya ang best friend kong traydor. Bakit siya naging traydor? Eto malalaman niyo pa lang. O chill lang kayo bitter ako e.

" Ok, sige" sambit ko ng walang kagana- gana. Actually, I'm always like that, I don't have any energy to some kind of anything when the class is over. Break kasi namen e kaya ginugulo ako nitong si Kyle.

Nagsulat na 'ko ng " Dear....."

Teka sino nga bang ilalagay ko? Di ko alam kung sino ang dapat kong ilagay. Hmm. Tingin. Tingin. Tingin.

My Love Story Calendar &lt;3Where stories live. Discover now