Chapter 6 - Can you be my First and Last?

15 0 0
                                    

A/N

Salamat sa pagtangkilik sa story na to  at dahil mahal na mahal ko kayo.. eto ng-update na nga ako. Pasensya na kung hindi ko to nasundan kaagad nakalimutan ko kasi ang plot ng story. So binasa ko ulit siya at sinimulang dagdagan ang story. Hope you like the following events. Sobrang magugulat kayo sa mga twists dito kaya konting hintay sa mga susunod na kaganapan.

CHAPTER 6

Mae-mae’s POV

Paggising ko, cellphone ko agad ang inatupag ko. Sabado kasi ngayon at nakakatamad magagagalaw. Wala naman akong nakatengang assignments kaya chill-chill lang ang peg ko ngayon.

27 messages sa phone ko, isa dun ang pumukaw ng atensyon ko.

D.I.R

Good Morning! Magkita tayo sa park na malapit sa inyo… Ahm may sasabihin ako. Hintayin kita dun mamayang 3pm. Kung OK lng sayo…

Ano kaya ung gusto niyang sabihin? Nako baka yayayain niya akong mag-date haha!

Chos! Lumalanding isip tumigil ka nga! NIKIKILIG AKO EIIIII! ^____^

Nagayos na ko ng sarili at bumaba na. Mamaya pa naman ung usapan namin e kaya manunuod na lng ako ng favorite kong ‘its showtime’ :D

Napansin kong walang katao-tao sa bahay. Si papa wala, si Kyle din wala. Siguro si papa may business meeting na naman at si Kyle busing-busy sa pagaayos ng event sa school. School Council president sya remember? Kaya marami syang inaasikaso.

Kinakain ko ung cereal with milk ko sa harap ng T.V. sobrang haba pala ng gising ko at magsisimula na ang showtime. Hindi na to breakfast, brunch na.

Kukuha sana ako ng saging sa refrigerator ang kaso may biglang nagdoorbell.

DING! DONG! DING! DONG!

“Sino yaaaaan?!!” sigaw ko..

“Sino ba y-“ napatigil ako sa pagsasalita nang ngumiti sakin ang kaharap ko.

“TITA DESIREEEEEEEEE!!!” sabay yakap ko sa kanya. Sobrang namiss ko talaga siya. ^________^

“Namiss kita Mae-mae!” sambit ni tita saka siya pumasok na sa loob ng bahay.

Pagkapasok na pagkapasok naming agad ko siyang chinika.

“So tita Des.. Are you staying here for good? Open na open po kayo dito sa bahay namin!”

“NO hija,” nalungkot naman daw ako dun L

“But I’m staying in here for a couple of weeks. Madami akong pasalubong sayo. Marami akong dalang Marshmallows”  Biglang sumigla ang mukha ko sa sinabi niya.

“YEHEY!”

Sobrang mahal ko si tita Desiree.. simula kasi ng namatay si mommy ay siya na ang tumayong mommy ko.

“Tita, kelan ba kita magiging mommy ang tawag ko sayo?” biro ko sa kanya

“Ay nako hihintay ko lang ang papa mo noh.” Ay pinatulan ang joke ko haha. Pero ewan ko bas a dalawang un ayaw pa magkaaminan.

Tinulungan kong magayos ng gamit si tita. Grabe ang dami na naming chocolates at marshmallows sa ref. Isang buong maleta niya ata puro chocolates e. Mura daw kasi ang chocolates sa Canada kaya ayan sobrang dami.

Umakyat muna ako sa kwarto ko at nagpalit ng damit. Malapit na kasing mag-3pm. Ayokong malate. Pagbaba ko saktong pagdating ni papa.

 “Hello po Pa!” batik o sakanya sabay mano.

“Pa, andyan nap o si tita Desiree. Nasa guest room.” Excited kong sabi.

“O, andyan na pala sya e.” –Papa

My Love Story Calendar <3Where stories live. Discover now