Chapter 2- Ice breaker

89 4 0
                                    

Naklock ang pinto.

Nakatulala ako. Hindi ko alam kung bakit pilit kong tinatanggal ang paningin ko sa anghel este sa lalaking ‘to. Hindi maalis ang tingin ko sa kanya, may halong pagkamangha at pagkagulat ang pagkakita ko sa kanya sa kwartong ito. Hindi dapat ako nagtataka kung bakit nandito si D. I. R. Pero sadyang gulat ako e.

“uhhhhm,” naninibago siya sa paligid kaya siya siguro unease siya sa pagtulog. Hanggang sa unti-unting namumulat na ang mga mata ng anghel.

“H-hel-lo!” kita sa reaksyon niya ang pagkagulat. Pero hindi ko rin siya masisisi.

“Ikaw?” sambit ng anghel. Bakit ba lagi ko siyang tinatawag na anghel?!

(In the back of mind: Mesmerize ka lang talaga sa kanya)

“Haay…….” Sambit ko na lng. Ewan ko ba kung bakit kinakabahan ako na kausapin ang  taong ‘to. Nakangiti na lang ako para hindi halatang kinakabahan ako. (:D) O ‘an di na anghel tawag ko sa kanya ah.

“Kumusta ka na?” sambit niya ramdam ko ang sinseridad niya sa pagsabi nito.

“Ikaw nga ang dapat na kinukumusta ko e.”

“HAHAHAHAHA,” isang malakas na tawa ang nagbasag sa tension naming sa isa’t-isa. Hindi ko alam kung bakit kami natawa pero nagpapasalamat ako na nakatawa kami ng gano’n.

“Nga pala may assignment tayo sa Math ipapasa next week,” panimula ko sa magandang usapan namin.

“Papasok na ako next week.Nag-advaced lesson naman ako e.tsaka nag-aaral naman ako simula nung na-admitt ako dto.”

“Wow, ang sipag mo naman ako hindi ako nagaa-advanced lessons e kahit nga review e”

“Pero nakakaperfect ka kaya sa mga exams. Lagi nga e”

<D. I. R’s POV>

Nagulat ako. Hindi ko inaakalang makikita ko ang taong napagininpan ko. Tinawag daw niya akong anghel. Sana nga anghel ang tawag niya sa’kin. Hindi na ako nakakaramdam ng hiya o tension sa pagitan naming dalawa, parang na-desolved dahil sa pagtawa naming kanina.

“Pero nakakaperfect ka kaya sa mga exams. Lagi nga e”

<Mae-mae ako lang dapat ang may POV !>

“Hindi naman masyado,” haha, kahit lagi naman talaga. Haha humble lang talaga ako sa mga papuri. HAHAHAHAHAHA!!

“Ano bang nangyari bakit ka na-injured?” wala akong maisip na mapagusapan e. Ayoko naming mawala ang momentum namin sa pag-uusap.

“Nako, wala ‘to. Hindi lang talaga ako nag-iingat.”

“Hindi ko nga pala napanuod yung laban mo kahapon,” kung napanuod ko ‘yun siguro nahimatay ako. Ayoko pa naman sa lahat na nakakakita ng taong nasasaktan. (Weh, DI NGA!!!!)

“Ayos lang ‘yun. Buti nga hindi mo nakita ang kapalpakan ko kahapon e.”

“Kapalpakan daw, best player ka nga daw e. Madaldal yung best friend mo kaya alam ko.”

“Yung si Jayson talaga masyadong madaldal ang dila.”

“Kung next week ka pa makakapasok, hindi mo rin mapapanuod ‘yung volleyball tournament naming sa Wednesday.”

“Maibo-broadcast naman ‘yun sa T. V. e kaya mapapanuod kita.”

:D

“Oo nga pala,” bakit gano’n? bakit napakadaling kausapin ng taong ‘to?!! Mababaliw ako kapag hindi ko nalaman ang dahilan. Siguro ay dahil sa malumanay siyang magsalita pero may buhay ang bawat sinasabi niya.

My Love Story Calendar &lt;3Where stories live. Discover now