JC and Ria's Bonding

17 2 0
                                    

Tumungo na sina Ria at JC sa park para magbonding. Malapit sila sa may mga bench na pinapaligiran ng mga puno. Pumwesto sila sa may bandang gitna ng berdeng damong may tumutubong mga bulaklak.

Ria: Boo! Tara selfie tayo!

JC: Aba game!

Nilabas na ni Ria ang dala niyang cellphone at selfie stick. Tinaas niya na ito at nagproject ng tamang anggulo habang si JC ay nakangiting tumayo sa likod ni Ria.

Ria: Boo, lapit ka naman nang konti

JC: Ganito kalapit? Ok na ba Boo?

Lumapit si JC kay Ria hangga't sa ilang pulgada nalang ang layo nila sa isa't-isa.

Ria: Lapit ka pa Boo. Akbayan mo naman ako o di kaya yakapin mo ako. Parang hindi naman tayo magjowa.

JC: Alam mo, ang cute cute mo talaga. Inaasar ka lang Boo.

Mas lalong lumapit si JC kay Ria at niyakap ito nang patalikod.

JC: I love you Boo.

Mas lalong humigpit ang kanilang yakapan. Hinalikan ni JC si Ria sa pisngi at napapikit nalang siya habang kapwa silang ngumiti.

Ria: I love you too, Boo. Smile!

At kinunan na nila ng picture ang kanilang sweet moment. Umupo muna sila sa bench at tinignan ang mga kuha nila.

JC: Ganda ng kuha nayin diyan Boo noh?

Ria: Oo naman. Ako pa.

JC: Syempre. Ikaw ang pinakamaganda kaya nga nabihag mo ako eh.

Ria: Teka, ano ba talaga ang maganda, ang mga pics natin o ako?

JC: Siyempre, ang picture!(Hahahhahahahahaha)

Binatukan ni Ria si JC, dumistansiya sa kanilang kinauupuan at sumimangot.

JC: Aray Boo! (Lakas ng tama niya!)

Ria: Bahala ka sa buhay mo! (Kainis!!)

Napailing nalang si JC habang palihim na tumatawa. Di nagtagal, umusog siya palapit kay Ria at masuyo itong kinulit at inakbayan.

JC: Boo...Boo!

Ria: Anu ba?! (Kunwaring irita ako.)

JC: Sorry na...Joke lang naman yun. Gusto lang kitang asarin kasi mas lalo kang nagiging cute.

Ria: Ewan ko sa'yo. (Manigas ka!)

JC: Boo naman. Alam mo namang ikaw ang maganda in and out. Ikaw lang at wala nang iba...Love you Boo!

Ria: (Papansinin ko na ba?)

JC: Boo, pansinin mo naman ako oh.

Niligpit niya na ang dalang selfie stick at cellphone tsaka hinarap si JC at niyakap pabalik si JC.

Ria: Talaga Boo?

JC: Oo naman Boo. Sorry na ha?

Only Time Can TellWhere stories live. Discover now