Chapter Two: Usapang Pabida
— I can't find a reason to be loved...
–Erine Cale
Erine Cale's P.O.V:"But she's my daughter..." Seryosong sambit nito sa babae.
D-Daughter... What?! What the hell! Kelan pa? Bakit hindi ako informed na 'I'm your daughter..'?!
"Oh.. I-I'm s-sorry, is that so?" Napapahiyang ani ng babae saka iniabot ang isa pang form, nagugulat naman akong napatingin kay tita.
Napapikit nalang akong lumabas ng security office at inihahanda ang tenga ko sa beng-bang na rat-rat na sermon sa'akin.
Alam ko na 'yan.. tsk! Sanay na ako diyan at memorize ko na ang mga ganitong eksena!
"I can't believe the both of you in trouble... together!" Bulalas muli ni tita nang marating namin ang parking lot. "Cale!" Untag niya saakin, taas kilay naman akong nilingon siya. "Not even a word?"
"Thanks." Walang emosyon kong sabi.
"Look at your faces! This is unbelievably crazy! Ano nalang ang masasabi ng Dad mo kapag nakita 'yang pasa mo, Ervine?! At ikaw Cale? Sanay na ba ang Mom mo sa pakikipag-away mo?"
"Mom.." pigil na usal ni Ervine, hindi naman ako sumagot at nakatungo lang na nakikinig.
"My God! Worst is, alam ng mama mo na si Ervine ang kasama mo! Ano nalang ang sasabihin ni Amanda, ha?!" Sa totoo lang ay naririndi na ako pero ayoko siyang bastusin.
"That's enough mom, ihahatid ko na si Cale sakanila." Ani Ervine.
"At umuwi ka kaagad dahil hindi pa tayo tapos, Ervine!" Sigaw pa ni tita saka dumeretso sa kotse niya at mabilis na nag-maneho paalis.
Lumapit naman si Ervine sa akin at hinawakan ang baba ko't i'angat ang mukha ko. Pinilit ko pang mag-iwas ng tingin pero lalo lang niyang hinigpitan ang hawak sa baba ko.
"Look at your face.. namamaga na.." nag-aalalang aniya.
"I'm fine..." usal ko, "ice pack lang katapat nito.. eh, yung sayo? Psh! Dumugo pa..."
"Let's go.." Sabi niya saka binitawan ang baba ko't hinawakan ako sa braso pero hindi ako gumawa ng kahit na anong kilos kaya nilingon niya ako.
"Papasundo nalang ako kay Pats," Ani ko, kunot noo naman siyang tumingin saakin. "Go home, baka lalo lang mag-init ang ulo ni tita Veronica.."
"Cale? Mom knows na ihahatid kita sa bahay niyo kaya walang kaso.."
"Pero makikita ng nanay ko 'yang bangas mo at paniguradong hard core nanaman ang aabutin ko kapag pareho niya tayong nakitang may abubot sa mukha." Mariin kong sabi.
"Edi, hindi ako papasok sa loob ng bahay niyo.."
"Engot ka talaga! E, sinong magbi'bitbit ng 'ke dami-daming pinamili mo para sa akin kung hindi ka papasok sa loob ng bahay namin?" Inis kong sabi.
"Cale naman... minsan ko lang 'tong gawin." Nanghihinayang niyang usal.
"Ervine... madami pang araw." Sabi ko nalang.
YOU ARE READING
Have You Ever Thought
De TodoDisclaimer: This is a work of fiction. Names, characters, business, places, events and incidents are either the product of the author's imagination or use in a fictitious manner. Any resemblance to actual person, living or dead, or actual events is...