Chapter One: The Game

26 4 1
                                    

Chapter One: The Game

Erine Cale's P.O.V:

"Siguro naman ay huli na ito?" Tanong ng aking ama. Hindi naman ako tumugon at isinuksok nalang ang earphones sa tenga ko't nagpaumunang maglakad papunta sa School Head's Office.

Nang makarating doon ay agad na sumalubong ang isang babaeng may edad na pero makikita padin ang bakas ng kagandahan niya nung kabataan niya. She wore a formal red attire dress, two inches black pointed shoes, hanging earings and a huge eye glasses. Istrikto. Marahan kong tinanggal ang earphones ko sa tenga at pilit ang ngiting humarap.

"Good day Mr. Dela Fuente." Pormal na bati nito sa ama ko and she eyed at me like she's examining every part of my body. "This might be the one we talked over the phone, Mr. Dela Fuente?"

"Yes," Nakangiting tugon ni Dad saka bumaling saakin. "Honey, this lady infront of us is Ms. Beatrice Agusto, Head of Wilson International School." Ang naging ekspersyon ko sa sinabing iyon ni Dad ay 'wala akong pake' look na ikinasama ng mukha niya.

"I heard a lot about you Miss Cale and I'm pre---"

"Erine." Putol ko sa sasabihin niya. "No one calls me Cale except for my chosen persons." Masungit kong dagdag na ikinagitla ng School Head.

"Erine?" Sita ni Dad. "My apology Ms. Beatrice." Baling ni Dad sa School Head.

"Ayos lang. Mukhang kailangan ko nang masanay sa ugaling iyan ng anak mo Mr. Dela Fuente." Pilit ang ngiting aniya sa aking ama.

"Can we cut the drama and let me sign my enrollment form? I've been through a lot this day kaya wala akong oras makipag chit-chats." Nanlaki ang mata ng SH saakin maging si Dad, bored lang akong tumingin sakanila, "What?" Tanong ko pa.

"This way," Sabi ng SH na imwinestra pa ang daan papunta ng desk niya. Napapa-buntong hininga siyang nagpatuloy. "Fill up this form and you're already enrolled, dumeretso ka ng faculty para makuha mo ang schedule mo at malaman kung anong section ka." Paliwanag niya hindi naman ako sumagot at bumaling nalang sa form na ibinigay niya.

In just five minutes ay natapos ko ang pag fill-up ng form, may pinirmahan lang sandali si Dad bago siya nagpaalam sa SH. Nag-paumuna akong maglakad at hinanap ang faculty room ng 4th year, nagulat naman ako ng makita ko si Dad na nandoon na. He maybe used a short cut.

"Nagmamadali ka kasing umalis." He said but I ignored him.

Isang nakakayamot na pagpapakilala pa ang naganap bago ko nakuha ang list of schedule and section ko, nang magpaalamanan ay muli akong nanguna sa paglalakad papunta sa parking. Hindi mo na ako maiisahan, Dad. Alam ko na ang daan papunta dito. Inis akong umiling sa isiping iyon.

"Call me if you need anything." Sabi ni Dad habang nag-mamaneho.

"Thanks." Tanging sagot ko.

"Come on Erine, take things seriously.."

"I am," tipid kong sagot.

"Nababagot ka bang kasama at kausap ako?" He asked seriously.

"Does it looks like that?" Balik tanong ko.

"Obviously.."

"Hindi ka lang sanay na tahimik ako at tipid sumagot." Mariin kong sabi.

"Honey... ginagawa ko naman ang lahat para magkaroon tayo ng oras sa isa't-isa."

"No need. I can already manage to understand everything— why and why not." Mapakla ang ngiting sagot ko na ang paningin ay nasa daang tinatahak namin.

"Please," May pagmamakaawa sa tinig niya and I chose to ignore it.

"Hindi mo kailangang gawin 'to Dad. I can perfectly fit-in at a public school."

Have You Ever Thought Where stories live. Discover now