ASHREEL's POV
"Kape ba to o tunaw na tsokolate?"
Nabulunan si lampa habang nilalagok ang itinimpla ko."Ang tamis!" Birit niya pa.
"Edi sana nagpaorder ka nalang ng Starbucks sakin sa baba, ang dami mong arte." Dinampot ko ang tasa ng kape na pilit niyang nilalayo sa sarili saka ito tinikman.
Sakto lang naman ah?
Gumagawa na naman ng dahilan para awayin ako ng lampang to.
"Bumili ka na nga lang don!" Angil niya habang binibigay sa akin ang credit card niya, alam ko lahat ng details niya kaya sooner or later 'pag pinapatay ko 'to walang palag 'to.
"Aba sadyang pinapabalik balik moko ha?" Asik ko, nakapameywang nakong nagtaas ng kilay. Nakakainis! Nakakapagod!
"H-hello? Secretary kita? And besides, para pumayat ka na. Hahahaha!" Humagikhik itong nakahawak pa sa tiyan niya. Tikling!
"Pisti! 'Yon na nga! Secretary, hindi katulong!" Bulyaw ko pa habang nakatingin sa lampang palakad lakad at nilalaro ang rubic's cube niya.
"Then, you can buy 1 item worth 5,000 with my credit card as a gratitude. Go!" Itinuro niya ang sliding door ng silid, agad naman akong napangiti, biglang nakikiliti ang batok ko sa kilig.
"Ahehehe, baka may ipapabili kapa, sir Black?" Pangiwi-ngiwi pa akong nakahawak sa blazer ko habang tinitingnan siya.
"Duct tape" halos masubsob na ang mukha niya sa mukha ko sa ibinulong niya. Para san?
Napakunot ang noo ko sa pag-iisip ng magiging halaga nun sa silid, wala naman atang sira dito? Lumapit siya ulit sa akin at halos halikan ang tenga ko. "Itatali ko sa bibig mo nang manahimik kana. Bilisan mo, baka ipafreeze ko pa yang card kapag ako nainis."
Agad akong kumaripas ng takbo, excited sa bag na bibilhin ko. Yehey!
I am Ashreel Gray Natividad, sanay sa hirap, naglayas sa bahay para may maipagmalaki sa buhay, ganito na kagara ang mga gamit ko simula nang naging secretary ako ng Raven Group of Companies main branch. Actually, I was not hired by the CEO which is yung tikling na iyon, but hired by the stockholders.
RGC is facing bankruptcy dahil sa mga pinaggagawa ni Black, kaya I was hired by the shareholders at wala siyang magagawa doon, wala rin silang magawa kundi ang magbigay lang ng suhestiyon dahil 60% ng shares ay pagmamay-ari niya, at sa kapatid niyang si Pink. Power rangers ata magulang niyon at mahilig magpangalan ng kulay.
"Ang swerte mo naman, Ash! May pabonus na naman siguro si master Pogi no?" Ani Kaoi na nakatingin sa abot tenga kong ngiti, agad kong pinindot ang Ground floor button sa elevator.
"Ang swerte nga, napunta naman saming matatanda ang malas." Ani mang Erning na noo'y bitbit ang mga gamit niya. 45 years old na pala siya at ang isa sa mga batas ng kompanya ay sibakin na lahat pagtungtong ng taong iyon.
"Birthday gift nalang po siguro iyon ng kompanya sa inyo, mang Erning." Payuko yuko ko pang opinyon. Ang aga naman para sa retirement, hindi naman mapapakealaman ng gobyerno ang batas na ito dahil sa ito'y pribadong kompanya.
"S-siguro." Walang reaksyong tugon nito sa akin.
"So, sis, ano na naman bibilhin mo? Eh kung ipunin mo para mag upgrade na tayo ng condo?" Malumanay ang malambing na tinig ni Kaoi, halatang nag-aabala at baka pasikip na naman ang bibilhin kong gamit sa apartment.

BINABASA MO ANG
Love Me, I'll Die
Mystery / ThrillerHe already love her, but if she'll do the same, he'll die, literally.