BLACK's POV
"Anong ginagawa mo dito?"
Is she insulting me para sabayan ang kwestiyon ko?
"This is my school—"
"30% of the shares only." Walang gana niyang pagkasabi na nanatiling nakatitig sa akin. Is she really starting a war with me in my territory?
"Then? What are you doing here? Stalking me?" Nakahalukipkip pa akong napapalatak habang napapailing saka sinuksok ang dalawang kamay sa bulsa.
"Pwede mo namang sabihing gusto mo ko eh." Napapangiti ako nang marinig ko ang makina ng mga kotse ng mga tropa ko, sabay pa silang nagsibabaan at tumabi sa gilid ko habang nakatingin sa iisang ponkan.
Nakita ko ang pag-angat ng kilay niya at dahan dahan itong naglakad papunta sa akin.
"So you are really into me" Napapangiti akong tingnan ang kabuuhan niya at patingin tingin kina Thawne, Liam at Ryke na halos matawa na rin.
Sorry but I don't like trashes. All of you girls are trashes.
Huminto siya sa harapan ko, tinitigan ako ng ilang segundo.
"Tell me— AHHH!!" Napaatras ako sa sakit nang sinadya niyang tapakan ang paa ko.
You shithead! Ang sakit ng takong ng heels mo!
"Don't ever assume, hindi ka kagusto gusto." Walang ekspresyon ang mukha niya, nasa iisang tono lang ang boses niya nang sinabi niya iyon.
Agad naman siyang tumalikod at bumalik sa kotse niyang nakaparke sa parking number ko. Agad umakyat sa ulo ko ang init at napakuyom, kung hindi lang siya babae, wala na siyang buhay bukas.
"Ayan naba ang napundar mo dahil sa perang binibigay ko?!" Singhal ko sa kanya dahilan para mapahinto siya sa pagpasok sa kotse niya. Dahan dahan din akong bumalik sa kinatatayuan ko kung saan naroon parin ang tatlong mokong na walang ginawa kundi ang matawa sa pangyayari.
"Asa." Tugon niya saka sumakay sa kotse at umalis.
"Hahaha! Feeling ko masaya ang semester na ito!" Ani Ryke na tawang tawa pa sa akin.
"Oo lalo na kapag binugbog kita." Agad naman itong natahimik at napalunok.
"Tara na nga." Pagyayaya ni Liam na nanatiling tahimik at hindi man lang napangiti o napatawa sa nangyari, supportive yan sakin eh!
Agad kaming naglakad papunta sa building ng Medical courses.
"I remember that one keep flirting on me when we're high school." Rinig ko sa likuran ang boses ni Thawne. Nilingon ko ito't nakita siyang nakanguso sa tatlong babaeng tila may pinag-uusapan, I know it was us.
"Well, be thankful there is lesser clingy flirts in college." Sabat pa ni Ryke.
Kahit dito sa college, uso pa rin ang mga malalanding showy na babae, pero mas kaunti hindi kagaya ng highschool na tuwang tuwa pa ang mga gago kahit mahawakan ka lang.
Pinupuri nila akong artista noon and I don't want that.
I really don't need to be at the school pero kailangan ko makipag-socialize for my identity.
BINABASA MO ANG
Love Me, I'll Die
Mystère / ThrillerHe already love her, but if she'll do the same, he'll die, literally.