"Bakla!"
Halos mahulog ako sa kama nang magising ako dahil sa sigaw ni Darla.
"Hindi ka si sleeping beauty, wala kang beauty, bangon na! Late kana!"
Kinusot-kusot ko ang mata ko.
Putangina! 6:12am na!!!
Bumangon ako pero bigla akong nakaramdam ng hilo. Argh!!
Traydor na vodka talaga yon! Agad akong dumeretso sa banyo kahit na pumipitik ang ulo ko. Nakita ko si Darla at Kaoi na kumakain na't nakabihis.
"Saan kaba galing kagabi?" Rinig ko
mula sa banyo ang boses ni Kaoi."Diyan lang."
Tutulong si Wong sa plano ko. Wala naman siyang magawa, kahit pa si Huy Chang. They can't stop me, unless I'll fail.
I will be hunted.
Agad akong nagmadaling kumain habang nagbibihis, nauna na sina Darla at Kaoi, walang kaibi-kaibigan pag may mala-late eh.
Sa gitna ng paglalakad ko patungong paradahan ng jeep ay napaisip ako.
Di naman siguro sila magtataka kung bibili akong kotse.
Agad kong kinapkap ang bulsa ko't kinuha ang cellphone.
*Calling: Wong*
"Nihao!" Anang bati ko.
"Shi?" Ramdam ko naman sa boses niyang kakagising niya lang.
"D-Did I disturbed you?"
"No."
"Can I have a favor?"
"Actually, your favor is impossible to decline." Agad naman itong natawa.
"I need a car."
"Oh! Ferrari or Chevrolet?"
"Camry 1998."
Napabuntong-hininga naman siya. Naninibago.
"Is this for a stunt? Or nagcocollect ka na rin ng semi-vintage automobiles?"
"This is for low profile people."
"O-oh I see. Okay, mamayang gabi."
"Xiexie!"
"Bu kuchi."
Agad kong ibinaba ang linya nang makarating nako sa paradahan, mabuti nalang at walang pila akog nadatnan.
Nakarating ako ng kompanya ng 6:54 kaya dali-dali akong nag check-in para hindi ma-late, saka umakyat sa office.
"You're late!"
You're late!Sinabayan ko sa isip ang sinabi niya pagkabukas ko ng pinto, as expected. Agad ko namang pinakita ang sheet ko to show her na 6:56 ako nakapag-check-in.
"Sa elevator ka magreklamo kung bakit 2 minutes late akong makabukas sa pinto, Ma'am." Aniko.
Bigla namang sumimangot ang noo'y mapang-asar niyang mukha. Humablot ng folder sa mesa at padabog na naglakad palapit sa akin.
BINABASA MO ANG
Love Me, I'll Die
Misterio / SuspensoHe already love her, but if she'll do the same, he'll die, literally.