ASHREEL's POV
Hindi ko alam ang gagawin ko nang bigla kong makita pabalik si Liam, naghahalo ang kaba at galit na nadarama ko, at baka nakita niya ang hindi niya dapat makita.
"Okay, ask me."
Tugon niya sa tanong ko.
"Usually, Black's been busy pero palagi itong personal, laging wala sa kompanya, maybe you knew about it. Saan kayo madalas pumupunta?"
Palingon-lingon naman siya sa akin, halatang naguguluhan din sa aking katanungan.
"Well, madalang kaming magkasamang apat, usually lagi siyang nagbabakasyon."
Bigla kong kinuha ang isang tubig na nakita ko sa mini fridge niya, gulat pa siyang walang paalam kong kinuha ito. Magpapaalam pa ako sa kanya eh bwiset na nga ako.
"Kilala mo ang tatay niya?"
"Ah, mr. Darkh."
Halos masamid ako nang narinig ko ang pangalang yun, seriously?
"But we didn't met him yet, usually voice chat lang if he is with Black." Dagdag pa nito.
Agad naman akong natikom dahil baka kwestiyonin na ako sa pangangalam ng buhay ng kaibigan niya.
"Why?" Tanong niya.
Hindi ko na siya sinagot at tuluyang tinungo ng tingin ko ang daan.
Nanatili ang katahimikan sa loob ng kotse pero ramdam ko pa rin ang pagkailang niya, siguro nahiya siya sa ginawa niya.
Laking abala.
"Totoo bang kilala mo si mr.Hemson?" Walang gana kong ibinulalas iyon dahilan para mapalingon siya sa akin.
"Y-Yes, a family friend."
"Bumawi ka sa kasalanan mo." Pabulong kong sabi.
"Bakit mo pala ako binalikan? Ano na namang trip mo? Kapag ako nabadtrip lalo, nakita mo 'yong mga yon? Ganun ka rin pag nagkataon."
Dinig ko naman ang malakas na paglunok niya dahilan para matawa ako ng kaunti.
Psh... Abnormal na duwag.
"I-I realize na di dapat ako pa-cool sa ibang tao."
"E-Eh?"
Anong connect?

BINABASA MO ANG
Love Me, I'll Die
Mystery / ThrillerHe already love her, but if she'll do the same, he'll die, literally.