"Give this to mr. Falcones." Hinihingal na akong pabalik-balik sa office. Nakapakyu na ang mukha kong nakaharap sa kanya.
Sinasadya niyang paisa-isa ang utos.
"Smile, miss Natividad, our company needs that!" Inabot niya sakin ang isang folder.
"Do you have a problem with me, ma'am?" Nakasimangot kong tanong sa kanya, nahahalata ko nang binibwiset niya na ako eh.
"Why?" Hindi man lang nagbago ang tono niya.
"Pwede naman kasing pagsabayin lahat ng ipapabigay nyo sa mga officers ng kompanya para hindi na ako magpabalik-balik." Suhestiyon ko sa kanyang wala man lang reaksyon sa sinasabi ko.
"Makalimutin akong tao, miss Natividad. So I'm sorry. Now give that to mr. Falcones." Bigla niyang inikot ang upuan at tumingin sakin.
Wtf?!
Nakakagago yong ngisi niya!
Wala akong magawa kung 'di ay sundin ang utos niya, hindi naman ako makapagreklamo dahil ang utos niya ay related naman sa position ko.
"Teh praning kaba?" Gulat ako sa biglaang pagtambad ni Darla. Nakasabayan ko siya sa hallway ng 8th floor.
"Di ka naman nagshashabu diba?" Bulong pa nito sakin na siyang ikinasalubong ng kilay ko.
"Ba't naman ako maggaganun?!" Hindi ko na siya nilingon, katok kasi minsan mag-isip eh.
"Panglimang baba mo na to 'te, shopping kana naman siguro ng shopping noh?" Mahina parin ang boses niya sa patuloy naming paglalakad. Intern kasi siya dito sa kompanya kaya utusan siya.
"Sana nga yung maitim na budhi nalang ang andiyan." Aniko.
"Eh sino ba?"
Alam kong mag-iiba na kami ng landas dahil papunta siya sa office nila, napahinto ako at bahagyang nilingon siya sabay inangat ang kamay sa aking bibig. "Much worse." Bulong ko pa.
Pagkaabot ko kay mr. Falcones ng sales ng isa sa services ng kompanya ay agad akong bumalik sa office. Ready na naman sana akong utusan ng bruhang Trix nang inangat ko ang relo ko't itinuro ito.
"In this company, we have a schedule called 'break'" Di paman siya makapagsalita ay agad na akong umupo sa desk ko't nag-inat.
"So since it's our break time, means I can have a chit chat with you, right? Ms. Ashreel Gray Natividad?"
Tsss. Break nga diba? Magpapahinga! Bobo! Hindi magdadaldalan.
"Madam president, I'm really tired." Malumanay kong sabi habang inadjust ang upuan ko't mapa-lean ito para makasandal ako.
"But talking won't tire you, right? Miss Britz?" Biglang nanlaki ang mga mata ko nang marinig ko ang huling salita. Paano niya nalaman?
"Why are you shocked? It's just a nickname." Napatitig ako sa kanya, what is she planning?
"I know you are hiding something that's why I cannot find any history of you. But sooner or later, you will beg for us to mark your resignation letter." Hindi ko siya kinibo. Nag-alala tuloy ako kina Ashton.
"Ash!" Napalingon ako sa pamilyar na boses at bigla kong nakita si Kaoi, nakita din ito ni Trixie dahilan para bumalik ito sa upuan niya.
"Tara." Kahit pagod ako'y napilitan akong sumama kay Kaoi para bumaba.
Sino ba talaga siya?
BINABASA MO ANG
Love Me, I'll Die
Mistério / SuspenseHe already love her, but if she'll do the same, he'll die, literally.