Nagising ako dahil sa mabagong naaamoy ko nakita ko si David na naka talikod habang nag luluto lumapit ako dito at yinakap ito.
"Ano yan?" Tanong ko.
"Carbonara paborito mo to hindi ba?" Napa ngiti ako ng malamang natatandaan niya pa pala.
"Mukhang Masarap patikim ako" natawa siya ng mahina at nilingon ako.
"Umupo ka na matitikman mo din toh" tumango ako at saka pumunta sa upuan at umupo.
Habang tinitignan siya ay di ko maiwasang di mapa ngiti minsan niya lang gawin ang bagay na yun dahil madalas akong ang nag luluto.
"Baka naman matunaw ako niyan" napa iwas ako ng tingin kanina pa pala ako naka titig sa kanya.
"Kapal!"
"Hahahaha! Oh kumain ka na nga may pasok ka pa" gaya ng sinabi niya ay kumain lang ako after kumain ay mag huhugas na sana ako pero sinabi niyang siya na lang.
Dali dali akong naligo at nag bihis di na ko nag aayos dahil maayos naman na ko.
"David Alis na ko" paalam ko, Yinakap naman niya ko ng mahigpit at saka Hinalikam sa noo.
"Mag Iingat ka umuwi agad ha?"
"Mamimiss mo lang ako eh Hahaha!" Biro ko.
"Oo naman noh Mamimiss kita" bumilis ang pintig ng puso ko dahil sa sinabi niya.
"Hanna pwede mo bang sabihin na Mahal mo ko?"
"H-ha? Ano?" Nabibingi na ata ako.
"Sabihin mong Mahal mo ko"
"M-mahal kita David" yinakap niya ko ng mahigpit ilang minuto din kaming ganun ng humiwalay na siya sa pag kakayakap na sana ay hindi na natapos.
"Sige na baka ma late ka pa Paalam Hanna"
"P-paalam David" nag lakad na ko palabas ng Apartment.
May nag uudyok na bumalik ako sa kwarto at wag na pumasok.
Pero hindi kelangan positive lang.
Kaya kahit di mapakali ay tuluyan akong lumabas sa Apartment.
Pag dating sa Comapany ay Agad akong sinalubong ni Jen at CJ nag kwento naman ako ng mga nangyari except sa Alam niyo ng Part yung about kay Ariam ay sinabi ko din.
"Loka Loka ka may Girlfriend na pala yang Ex mo"
"Kahapon ko lang din nalaman"
"Nag Explain ba?" Tanong ni CJ. Umiling lang ako bilang sagot.
"Ay Nako Girl ah ingat ka" paalala ni Jen.
Bumalik na kami sa kanya kanya naming Trabaho mahirap na baka may makakita pa samin.
Alas singko ng matapos ako sa ginagawa ko at ganun din sila Jen nag pasya na kaming umuwi dahil tapos na din namang ang Office Hours pero bago umuwi ay dumaan ako sa Grocery Store dahil mag luluto ako ng Sinigang ngayon.
Nag Madali akong maka uwi dahil excited na kong makita si David pero lahat ng Excitement na nararamdaman ko ay biglang nag laho ng makita ko ang sulat niya sa lamesa.
Dear: Hanna.
Pasensya na kung iniwan kita sa pangalawang pagkakataon buntis si Arian at kelangan niya ko, kahit wala sa plano ay kelangan namen mag pakasal para sa bata sa sinapupunan niya Mahal kita. Mahal kita pero di ko mapakita. Iniwan kita dahil hindi ikaw ang Babaeng gusto kong makasa sama sa Kama dahil hindi ikaw yung babaeng pang Kama lang. Gusto kitang maka sama habang Buhay Hanna pero hindi na mang yayari pa sana mapatawad mo ko.
-David.
Napa upo ako at napa hagulgol dahil sa pangalawang pag kakataon iniwan ako ng taong Mahal ko.
Ng Taong Minahal ko.
Ng Taong sa pangalawang pagkakataon ay naging Mundo ko.
BINABASA MO ANG
Living Under the Same Roof with my EX HUSBAND
General FictionR-18 Ang tumira sa Isang Bahay ay madali pero ang tumira sa Isang Bahay habang kasama ang dati mong Asawa ay MAHIRAP.