Part 1

40.5K 409 2
                                    

NOTE: Hanggang Chapter 10 lang toh dahil tamad ako sa mga mahahabng Chapters Hahaha!

Hanna's POV

"Aling Malen naman kahit isang Linggo pa sige na"

"Ay na ko Hanna! Ilang Linggo na ang pinalugit ko sayo hanggang ngayon di ka pa din nakaka bayad ng Upa mag tatatlong buwan na. Luging Lugi na ko sayo ewan ko ba sayo at hanggang ngayon di ka pa din pinapadalhan ng Asawa mong si David"

"Aling Malen naman alam mo namang gipit pa kami saka diba nga nasa Barko si David ano yun marami lang ginagawa" pag sisinungaling ko,

"Pasensya na Hanna pero hangga't wala kayong pambayad kelangan mong umalis bumalik ka na lang pag nag padala na si David" tinalikuran ako ni Aling Malen at saka isinara ang Pinto napa hinga ako ng malalim ng mapag tantong wala akong mauuwian ngayon.

Si David? Matagal na kaming wala ang alam ng mga kapit bahay ay naka sakay ito sa Barko at doon nag tratrabaho habang kumikita ng Libo Libo.

Inilabas ko ang Cellphone ko at tinawagan si Corazon kaibigan kong Bakla.

"Hello? Mars"

"Oh kumare napatawag ka? Bumalik na ba ang Hinayupak mong Asawa?"

"Hindi pa Mars. Pero Pinalayas na ko sa Apartment wala na kong pambayad gipit na gipit na talaga ako"

"Susmaryosep ginoo osiya dito ka muna tumuloy sakin"

"Salamat Mars hulog ka talaga ng langit" ibinaba ko na ang tawag at saka pumara ng isang Jeep papunta sa Tondo kung saan naka tira si Corazon mula sa Pedro Gil ay sumakay ako ng Jeep pa Tayuman mabuti na lang may mga barya pa ko kahit papano swerte pa din ako ewan ko ba kung bakit sa Asawa ako Minalas.

Mag Tatalong buwan na simula ng mag hiwalay kami ni David bakit? Dahil hindi ako ang Babaeng tipo niya sa kama anong magagawa ko? Wala akong alam sa Sex siguro kaya niya ko iniwan ay dahil di siya na sasatisfied sa mga pag halik ko sa kanya sa Pisngi.

Pag dating ng Tayuman LRT Station ay pumara na ko at muling sumakay pa Pritil. Ng makarating ay agad akong sinalubong ni Corazon at tinulungan sa mga bitbit ko.

"Pasensya ka na Mars ah. Alam mo na magulo dito madumi at lalong mabaho"

"Wala yun ano ka ba wala ng panahong mag paka Choosy noh wag ka mag alala bukas na bukas ay hahanap na ko ng Trabaho ayoko namang mag pabigat sayo noh"

"Gaga matagal ka ng pabigat noh" nag tawanan kami dahil sa sinabi niya maliit lang ang bahay ni Corazon pero maayos ito at malinis. Pumasok ako sa isang maliit na kwarto at doon nag pahinga.

Sa totoo lang walang gabi na hindi ko inisip oh inalala ang Asawa ko Pwe! Nakaka kilabot pag sinasabi kong Asawa ko siya.

Pero sa totoo lang kahit tatlong buwan na ang nakaka lipas andito pa din ang pag asang babalik siya babalik siya sa piling ko.

Hindi mo kasi basta basta maaalis sayo yun eh lalo na't may pinag samahan kayo.

Huminga ako ng malalim at ipinikit ang mga mata ko.


KINABUKASAN maaga akong gumising at nag ayos para mag hanap ng trabaho kumuha lang ako ng isang pandesal kumagat sa hotdog na nasa lamesa.

Mula sa Tayuman ay nag byahe ako pa Makati bumaba ako ng Paseo de Roxas at tinahak ang daan maraming mga taong nag lalakad ang iba ay nag mamadali ang iba naman ay parang namamasyal lahat ng maaaring applayan ay inapplayan ko.

At sa Kabutihang palad ay naka pasa naman ako sa isang sikat na Company sa Makati.

Dahil sa pagod at gutom ay nag tungo ako sa 7/11 para bumili ng tubig mag kano na lang ang natitira sakin puro barya pa.

Nag tungo ako sa Counter at doon ay binilang ko ang mga barya ko naka tingin lang sakin ang ibang naka pila nag tataka siguro kung bakit ang tagal ko.

Ng matapos sa pag bibilang ay binayaran ko na ang binili ko at lumabas ng 7/11

Pasakay na sana ako ng Bus ng may mahagip ang mga mata ko. Agad bumilis ang tibok ng puso ko hindi ako pwedeng magkami alam kong siya yun.



David...

Living Under the Same Roof with my EX HUSBANDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon