Chapter 13

32.7K 1.3K 61
                                    

Chapter 13

The only sound that could be heard was of the car's stereo. Deretso ang tingin ko sa daan at hindi siya magawang lingunin. Naka'y Faerie ang isip ko dahil iniwan ko siyang mag-isa sa apartment. I wasn't even able to lock the door.

"You're so quiet," puna niya. Ramdam kong nilingon niya ako.

"Iniisip ko lang si Faerie. Hindi ko man lang nai-lock ang pinto—"

"You love your friend that much, huh?"

"She's not just a friend. She's my sister." Tiningnan ko ang cell phone ko sa aking kamay. "Siya na lang ang mayroon ako. Siya na lang ang taong naniniwala sa akin." Nang hindi siya nagsalita ay doon ko lang siya nilingon. "Dati, dalawa pa sila, pero ngayon siya na lang."

Iniwas ko rin agad ang tingin at pinilit na kalmahin ang sarili sa bigla kong pag-alaala sa ama niya, ang dating president.

"Who is the other one?" he asked coldly.

"Hindi mo magugustuhan ang sagot ko." Mapakla akong ngumiti. "You shouldn't have asked."

"You shouldn't have opened it up." Mas lumamig ang kanyang boses.

Hindi na ako sumagot at ipinikit na lang ang mga mata. Niyakap ko ang sarili dahil sa biglang panlalamig ng katawan.

"Pres!" nabigla kong sigaw. Muntik na akong mauntog sa unahan kung hindi lang dahil sa seatbelt. Bigla siyang nagpreno!

Mula sa likod ng kotse ay may inabot siya. Saka ko lang napansin na may tatlong paper bags doon. Kinuha niya ang isa at inilabas ang kulay itim na jacket. Tinanggal niya ang seatbelt ko at walang sabi-sabing isinuot ang jacket sa akin.

Sumingit sa ilong ko ang mabango niyang amoy. The smell of his perfume was so manly.

Inilayo niya ang sarili sa akin at muling pinaandar ang sasakyan. Wala na ulit kaming imikan hanggang sa tumigil kami sa isang overlooking place. Nang tingnan ko ang karatula ay nasa Sampaloc Tanay, Rizal na pala kami kaya sobrang lamig.

Kinuha niya ang isa pang paper bag at inilabas doon ang ilang mga pagkain. Iniabot niya sa akin ang isang sandwich. Tinanggap ko ito kahit puno pa ang tiyan ko ng hinapunan namin ni Faerie.

Binuksan niya ang pinto at lumabas. Sumandal siya sa gilid ng kotse at sumunod ako na may isang pulgadang layo ang distansya sa aming pagitan.

I took a bite of the sandwich and looked down the colorful lights. Tanaw sa malamig at magandang lugar na ito ng Tanay ang makukulay na ilaw ng mga karatig-bayan.

Naramdaman ko ang braso niya na dumikit sa akin at napalayo ako. I cleared my throat and averted my eyes from him. Itinuon ko na lang ang atensyon sa pagtingin sa magandang tanawin habang inuubos ang ibinigay niyang sandwich.

Makalipas ang ilang minutong katahimikan ay siya na mismo ang bumasag nito. "Here."

Nilingon ko siya. He handed me a bottle of water.

"Thanks," I muttered.

"How many boyfriends have you had?" he asked out of the blue.

Binuksan ko ang bote ng tubig at uminom. Dumeretso ang tingin ko sa madilim na kalangitan.

"Zero," I answered.

Mahina siyang tumawa. Nilingon ko siya.

"A girl like you can't fool me, Miss Escobar."

My forehead creased. Nilingon niya ako at nagtama ang aming mga mata. Napawi ang tawa niya nang napansin na seryoso ako.

"You think I've had a number of boyfriends." I could almost taste how bitter my words were. "Mahirap na ba talagang paniwalaan ang isang tulad ko? Ganoon na ba talaga ako kadumi sa paningin n'yo?"

The Charm Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon