Chapter 22

31K 1.1K 95
                                    

Chapter 22

Tinanggap ko ang scarf at ngumiti. "Salamat, 'nay."

Pinagtitinginan ako ng mga tao sa jeep pero hindi ko na lang 'yon pinansin.

"Hindi ka sana sumugod sa ulan, hija. Baka magkasakit ka niyan. Pagdating mo sa bahay ay agad mong ituloy ang pagligo."

Tumango ako at nahihiyang ibinalot ng scarf ang aking mga balikat. "Opo. Marami pong salamat ulit."

Tiniis ko ang lamig hanggang sa makarating ako sa bahay ni President. Bubuksan ko na ang pinto nang may nagbukas nito mula sa loob.

Ang galit na ekspresyon ng mukha niya ay napalitan ng pag-aalala nang nakita niya kung paano ako mangatog dahil sa lamig. Agad niya akong hinigit papasok.

"Anong pumasok sa isip mo at nagpaulan ka?" Paakyat ng hagdan ay hawak niya pa rin ako. Tumigil kami sa tapat ng kanyang kwarto at binuksan niya ito. Bago pa kami makapasok ay kumawala na ako sa kanya.

"Get inside!" madiin niyang sabi at itinulak ako papasok.

Naglabas siya ng tuwalya at ibinalot ito sa aking katawan. Napatingin ako sa mukha niya.

"You're already under the weather, but you still went out of the house! Gusto mo na bang mamatay?" sigaw niya. Mahigpit ang hawak niya sa tuwalya malapit sa aking dibdib.

Bago pa magtama ang aming mga mata ay bumaling na ako sa bintana.

"Sana nga namatay na rin ako," hindi ko napigil na sabihin.

Napaatras siya dahil sa narinig. "What are you saying?"

I smiled. Tumayo ako at lumapit sa bintana. "Wala lang. Pwede na ba akong lumabas dito? Gusto ko na ring magpahinga."

Nang hindi siya sumagot ay naglakad na ako papunta sa pinto. Pumasok ako sa kwarto na inilaan niya para sa ilang araw na pamamalagi ko rito. Dumeretso ako sa bathroom at nagbanlaw.

Humiga ako sa kama at tinakpan ng braso ang mga mata. Narinig ko ang sunud-sunod na pagtunog ng cellphone ko pero hindi ko ito sinagot o tiningnan man lang.

Gabi na nang nagising ako. Tiningnan ko ang wall clock at nabasang alas nueve na ang oras. Sa kabila ng pagkulo ng tiyan ay hindi ako bumangon.

May kumatok sa pinto ngunit binalewala ko lang 'yon. Saglit pa ay dinig ko ang pagbukas nito.

"Amity..."

Kinagat ko ang ibabang labi nang makilala ang boses. Lumubog ang kama at niyakap niya ako.

"Baby sis..."

Pero hindi pa rin ako nagsalita.

"Love..."

Naramdaman ko ang pagpatak ng luha ni Faerie sa aking pisngi.

"Anong gusto mo? Ipagluluto kita. Sabi ni President ay hindi ka pa raw kumakain mula kaninang tanghali."

Umiling ako.

"Don't scare me, Amity. Hindi ako natutuwa kapag nagkakaganito ka."

Bumangon ako at binuksan ang lamp sa bedside table. Umayos ako ng upo at hinarap siya. Nang nakita ang hitsura niya ay parang kinurot ang puso ko.

Inilapit ko ang kamay sa kanyang mukha at pinunasan ang luha niya. "Bakit ka umiiyak? Hindi ba't sa ating dalawa ikaw ang mas matapang?"

Kinagat niya ang ibabang labi. Nang muling tumulo ang luha niya ay ako na mismo ang yumakap sa kanya.

"I was so worried when I got a call from the president." She hugged me tighter. "Akala ko ay may masama nang nangyari sa 'yo."

Hindi ako nagsalita. Dinama ko ang mainit niyang yakap hanggang sa mismong siya na ang kumawala.

The Charm Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon