Chapter 43

26.1K 923 40
                                    

Chapter 43

Napamaang ang mga mukha nila. Walang anumang salita ang lumabas sa kanilang mga bibig kaya hinila na ako ni Faerie palayo. Sinulyapan ko si President na may ngiti sa mga labi na pinanonood ang paglayo namin.

"Saan tayo pupunta?" tanong ko. "May klase ako."

"Sa Office of the President."

Hindi na ako nakapagsalita at inilabas ang cell phone ko mula sa bulsa. I texted the class president of HUMSS 1B to continue working on their journal in our subject. Nahirapan ako pagtitipa dahil hindi binitawan ni Faerie ang kamay ko.

Pumasok kami at bumungad sa amin ang sekretarya ni President. Naiilang itong tumingin sa akin at pilit na ngumiti.

"President knows that we're coming. We have a meeting with him," Faerie said.

Napabaling ako sa kanya. Her face lacked emotions as she talked to the secretary.

"President just went out," Emery informed us. "Maybe you can wait for him inside. I'll call him about your meeting."

Sinunod namin ang sinabi ng sekretarya. Binitawan ako ni Faerie at umupo siya sa sofa sa mismong opisina.

"Siguro naman mananahimik na ang mga mahadera at tsismosa mong co-teacher." Tumingin siya sa akin. "Hindi sila nakaimik, e. Ganyan ang mga tao kapag nasusupalpal ng katotohanan. Magsilbi sanang aral sa kanila ang nangyari."

Umupo ako sa tapat niya. Nakatitig lang ako sa kanyang mukha kaya kumunot ang kanyang noo.

"What is it?" she asked.

"Paano kung pag-initan ka nila dahil sa nangyari? Hindi mo kilala ang mga taong 'yon. Magaling silang manira."

"Why, Amity? Ang ginawa ba nila sa 'yo, sa atin, ay hindi paninira? 'Wag kang matakot sa maaari nilang gawin, kasi kilala mo ako. Hindi ako nagpapatalo lalo at alam kong tama ang ipinaglalaban ko."

Magsasalita pa sana ako nang bumukas ang pinto. Pareho kaming napalingon dito at napatayo. Agad kong iniwas ang tingin nang dumapo sa akin ang mga mata ni President.

"Good morning, ladies!" he greeted us in his serious tone. "Is there anything I can help you with? My secretary told me that we're having a meeting."

Nilingon ko si Faerie at ramdam ko na nagpipigil siya na tumaas ang kilay. Tumabi si President sa kanya at sinenyasan kami na umupo.

Pinagdaop ni President ang mga kamay niya at palipat-lipat kaming tiningnan.

"I know that this is not the right place to talk about this," Faerie started. Nakatingin pa rin siya kay President at puno ng kaseryosohan ang kanyang mga mata. "Please take care of my sister."

Napalunok ako sa sinabi ni Faerie. Her lips were stretched into a hard line and looked so serious.

Hindi ko maintindihan ang sarili kung bakit nag-init ang mga mata ko.

"Alagaan mo siya katulad nang kung paano ko siya alagaan. O kung kaya mo pang higitan, gawin mo."

Nilingon ko si President. Titig na titig siya sa mukha ni Faerie hanggang sa unti-unting sumilay ang ngiti sa kanyang mga labi.

"Ayokong nasusugatan ang kapatid ko, Sir. Ayokong nakikita siyang nasusugatan."

Napatungo ako.

"Do you think I'll hurt her?" President asked.

"There is always pain in loving a person." Faerie looked at me. "May pagkakataon na masasaktan at masasaktan ka talaga kahit anong iwas mo, lalo na kapag may nagawa kang hindi niya gusto."

The Charm Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon