Chapter 34

27.5K 1.1K 56
                                    

Chapter 34

Hindi pa ako nakaka-recover nang ilapit niya ang bibig sa aking tenga. "Pumasok ka na. See you later."

Nagmamadali akong pumasok ng faculty room. I closed the door and walked straight to my table. Ibinaba ko ang bulaklak sa ilalim nito. Pabagsak akong napaupo sa swivel chair. Sobrang init ng mukha ko.

Napaayos ako ng upo nang bumukas ang pinto. Pumasok si Ma'am Marissa, Sir Gael, at Sir Harold.

"Good morning, Amity!" bati ni Sir Harold.

"Good morning po!" ganting bati ko sa kanila. Tiningnan ko ang dalawang teachers na lalaki. Hindi na lumipat ang tingin ko kay Ma'am Marissa at nagbuklat ako ng reminders sa phone. Sakto naman na may nag-text sa akin.

Unknown Number:

Ma'am Amity, this is Mateo. Ayaw po talaga akong pakinggan ni Alexa. Kailangan ko na po ang tulong mo.

May lumapit sa akin at napatingin ako sa likod ko. Agad kong itinago ang cellphone sa aking bulsa at tipid na nginitian si Sir Gael.

"Good morning, Amity." Lumarawan ang gwapo niyang ngiti. Saglit akong napatitig sa malinis niyang mukha na kinababaliwan ng mga estudyante at maging ng iba naming kapwa guro.

"Good morning." Tumayo ako at aalis na nang bigla siyang may inilapag sa aking table.

Kumunot ang noo ko dahil sa chocolate bars na madalas kong kainin. Cadburry.

"Pansin ko lang na medyo stressed ka these days. I hope these sweets help." Napakamot siya sa batok.

Tumango ako at tinapik siya sa balikat. "Thank you. Labas lang ako at may aasikasuhin ako sandali."

Hindi ko na siya hinintay magsalita at iniwan siya sa table ko. I saved Mateo's number and typed a message.

Me:

Asan ka? Si Alexa?

Mateo:

Nasa ladies' room, Ma'am. Nandito rin po ako. Nagsusuka siya.

Me:

What building?

Mateo:

ABM Building po.

Lakad-takbo kong tinungo ang building. Bago pa ako makapasok sa ladies' room ay narinig ko na ang pagtatalo ng dalawa.

"Hindi ba sinabi kong umalis ka na? I've already decided, Mateo! Masisira ang buhay ko kapag ginawa ko ang gusto mo!"

"Anak ko rin 'yan, Alexa! May karapatan ako na tumanggi sa gusto mo lalo na't mali ka!"

Lumakas ang pag-iyak ng babae. "Please, hayaan mo nang ipalaglag ko 'to. Mapapatay ako nila Daddy."

Binuksan ko ang pinto at nakita ko sa mukha ni Alexa ang gulat. Si Mateo ay nakasandal sa pader, samantalang si Alexa ay nakatuon ang mga kamay sa counter ng lavatory. Umiiyak ang huli at halata sa mukha ang takot.

"Ma'am..." nanginginig ang boses ni Alexa. She looked so pale. Nilingon niya si Mateo na tila humihingi ng tulong.

"Can we talk, guys?" Pinalipat-lipat ko ang tingin sa dalawa.

Hindi pa rin bumabago sa tayo si Alexa. Nilapitan siya ni Mateo. Ipinatong ng huli ang kamay sa balikat ni Alexa.

"Tara, Alexa," aya ni Mateo.

Alexa had no choice but to follow me. Mas mabuti na rin na nagmukhang narinig ko lang ang pag-uusap nilang dalawa.

Binuksan ko ang conference room. When our students needed to talk to us or had problems, the conference room was the best place for our meetings with them.

The Charm Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon